CHAPTER TWO

2 0 0
                                    

JAYDEE ANN'S POV

Kanina pa ako nakatayo dito sa labas ng airport feeling ko tuloy magiging trabaho ko dito is security guard of sales lady. Simula kasi nang bumabaa ako sa eroplano wala na akong maisip na matino. Ikaw ba naman kausapin ng matandang amerika sa loob at kahit anong kabastusan ang pinagsasabi. Pinagmamalaki pa sa akin ang mga pera niya. Ano ako? Bayaran. Mukha niya. Kaya ayun hindi pa ako maka-get over nang hamakan niya ang legs ko. Parang gusto kong umiyak ngayon dahil sa pangdidiri. Dahil sa nangyaring yun umalis agad ako at nag-stand by sa CR.

Bumalik lang sa reyalidad ng biglang may lumapit sa aking babae. Mukhang 30's na siya pero hindi mo mapapansin dahil maganda siya.

"Ate ikaw ba yan?" parang huminto ang oras ng mamukhaan ko siya.

"Ma? Ikaw ba yan?" Wala na akong paligoy-ligoy pa kaya niyakap ko ka agad siya.

"Oo, ate. Nandito na si mama." Hindi ko man makita ang mukha niya ngayon dahil sa magkayakap kami alam kong umiiyak narin siya gaya ko.

Matapos ang kunting batian nagpasya na si mama na kumain muna kami.

-----------

Habang nasa biyahe iniisip ko kung itatanong ko ba ulit ang tungkol sa kapatid ko o hindi. Ako kasi yung tipo ng tao na hindi ko masiyadong shene-share ang mga problema sa isip ko.

"Ate, kamusta si bunso? Nakita ko yung post mo kamakailan. Ang cute niya doon." aniya. Gusto ko man tanongin siya kung bakit pero nangibabaw parin ang hiya ko.

"Okay lang po siya. At mas magiging okay po siya kung nandidito siya ngayon" ani ko. Mahina man pero alam kong na-offend ko si mama dahil natahimik siya bigla.

"Sorry, pero malalaman mo rin ang dahilan kung bakit. " Aniya. Sa hindi malamang dahilan nagtaasan ang mga balahibo ko. Iba ang feel ko sa sinabi niya. Nginitian ko nalang siya at ibinalik ang tingin sa bintana.

Madami akong nakitang mga gwapo---dont get me wrong pero ganun ako minsan pagboring. Pang kwento narin 'to sa bakla. Huminto ang sasakyan dahil narin siguro nag-red ang lights. Kaya mas nakikita ko kung gaano ka ganda ang America. Nakaka-nose bleed ang mga sinasabi nila.

Naka-kita naman ako ng mga groupo ng mga lalaki pero sa iisa lang ako na-attract. Singkit siya, maputi, matangkad, mukhang koreano, makisig ang pangangatawan, gwapo----wait bat ko siya dene-describe? Napatingin naman sa akin ang lalaki sabay kindat pa. Ako ba yung kinindatan niya? Tiningnan ko naman ang paligid. Kotse lang ni mama ang meron. Titingnan ko sana siya ulit pero umandar na ang kotse.

"Sino sinisilip mo, ate?" tanong ni mama. Hindi ko nalang siya pinansin at nagtulog-tulogan nalang.

-------

Naalimpungatan naman ako sa boses na rinig ko kaya sinaway ko ito. Nagulat nalang ako ng ma-realize kong nandito pala ako sa america at nasa kotse ako ni mama.

"Ma?" napatanong nalang ako.

"Buti hindi muna ako tinawag na Lola" nakita ko siyang ngumiti pero mukhang peke. So si Lola pala ang binabanggit ko kanina. Gosh, na-offend ko siguro si mama.

"Bumaba kana jan" Aniya. Nakalabas na pala siya ng kotse. Dali-dali ko namang inalis ang seatbelt ko at sumunod na sa kanya sa loob ng McDonald.

Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakapasok sa McDonald. Dahil exited ako papatakbo akong pumasok. Oo, mukhang akong isip-bata pero ganito kasi ako. Kung sa bisaya pa----Tagaw.

Pagpasok ko palang bumungad sa akin ang klase-klase ng mga mukha. Ang daming magaganda!!!! Siguro kung nasa Philippines sila famous ang mga Lola niyo! Kahit nga half ka lang tapos hindi kagwapahan o kagwapohan famous kana.

Nakita ko naman si mama sa counter kaya naghanap nalang ako ng mauupuan. Nang maka-upo na ako tiningnan ko lang si mama pero nagulat ako dahil pinisil ng matandang----hindi siya lolo hah! Parang tatay lang. Pinisil niya ang puwet ni mama. Tatayo sana ako para pagalitan ang matanda pero nginitian lang ni mama ang matanda. Ano yun? Wala lang sa kanya? Pag ako ang ginanon sisigaw talaga ako. Naalala ko tuloy yung nangyari sa Aroplano. Nakakakilabot.

Ibinaling ko nalang sa iba ang tingin ko pero na loko na ang dami talagang magaganda. Ang se-sexy nila. Ako heto dyoga at taba lang ang meron. Insecurity kills me now.

"Pasensiya na ate natagalan" aniya sabay upo.

"Natagalan ikamo sa paglandi" mahinang sabi ko.

"May sinasabi ka ate?" naguguluhang sambit niya.

"Ahh, wala. Sabi ko mukhang madami ang makakain ko ngayon" dahilan ko.
Tinanguhan niya lang ako.

-------

Matapos kaming kumain kanina dumeretso kami sa iisang restaurant. Akala ko nga kakain pa kami ulit kaya tinanggihan ko na agad si mama. Hindi naman siya sumagot, senenyasan niya lang ako na sumunod sa kanya gamit ang kamay niya.

Hindi kami dumaan sa harap kundi umikot kami. Papasok na sana kami sa isang pinto kaso hinarang kami ng isang malaking lalaki. Mukhang bouncer siya kasi ang laki niya eh.

Itutulak niya sana kami kaso nagsalita si mama. "Bev!!! It's you! is it her?" so magkakilala sila? Bev kasi nickname ni mama in short for Beverly. Tinitigan naman ako ng lalaki. Hahawakan sana niya ako kaso hinila na agad ako ni mama.

Gulat na gulat ako sa nakita ko. Ibang iba kasi ito. Hindi mo maiisip na ganito pala yun. Nangdiri naman ako sa nakita ko----sino ba naman ang hindi mangdidiri kung makakakita ka ng mga babaeng nakahubad at sumasayaw sa stage. Isa pala itong club.

Yumuko nalang ako at nagpahila kay mama. Dahil nangdidiri ako sa mga nakikita ko. Ganito ba talaga dito sa America. Napaisip naman ako kung bakit kami nandidito sa club.

Huminto naman si mama sa paglalakad kaya napahinto rin ako. Nandidito pala kami sa isang opisina. Nasabi kong opisina ito dahil sa disenyo ng paligid.

"Good evening, Mr. X. My daughter is here." sabi ni mama. Hinahanap ba ako ni Mr. X? Sino naman 'to.

Nalilito rin ako dahil wala naman tao sa opisina. "You came back! I thought you won't bring her. I was already thinking of... killing you." Nagulat ako hindi dahil may nagsalita kundi dahil sa sinabi ni Mr. X--kuno.

"I'm sorry I made you wait." mahinahong banggit ni mama.

Bakit naman ako hinahanap ni Mr. X-----wait. Hinahanap niya ba talaga ako? Siya ba ang papa ko pero parang hindi naman kasi ipapatay niya sana si mama kung hindi kami pumunta dito.

Umikot ang isang upuan at humarap sa amin ang isang matandang lalaki. Parang nasa 60 na siya dahil kulubot na ang balat niya.

Tumayo si Mr. X at lumapit sa amin---este sa akin lang. Nasa harap ko na siya. Hindi siya naka-tingin sa mukha ko kundi sa katawan ko. Hinawakan niya pa ang braso ko para mailibot ako. Kinakabahan na ako.

"Your daughter's beautiful. Her body shape, her butt and chest will surely make me a bunch of money." sabi ng matanda na ikinagulat ko. Nakinig lang ako sa pinaguusapan nila, hindi ako magaling magsalita ng english pero nakakaintindi ako. Hinarap ako ni mama.

"Ate, I'm sorry pero kailang ko'tong gawin para sa pagpapa-opera ni Derek. Kailangan kitang ibenta" ibebenta? Sinong ibebenta? Ako? Lalapitan ko na sana si mama para mas maliwanagan pa pero agad namang may humawak sa dalawa kong balikat at inilayo kay mama.

Nakita kong binigyan ni Mr. X ng pera si mama. Tumingin si mama sakin na may bahid ng luha ang kanyang mga mata at bumuka naman ang bibig niya na parang bulong lang pero nabasa ko 'to na ang sabi-- Patawarin mo si mama. At akmang aalis na si mama kaya napa-sigaw na ako. "Ma! anong nangyayari?! Anong ibebenta? Ma?-----hoy huwag niyo akong hilahin" nagmamatigas ako sa mga humila sakin. Iniwan na ako ni mama. Napahagulgul nalang ako.

Ito pala ang dahilan kung bakit ako pinapapunta ni mama dito. Kaya pala okay lang sa kanya na hawakan ang puwetan niya, dahil sanay na siya at nagtra-trabaho siya sa bar. Kaya rin pala ayaw niyang isama ko sila Lola at  Nicoly dahil ibebenta niya ako.

Naramdaman ko nalang na may malakas na puwersa na tumama sa ulo ko. Kaya unti-unti ko ng naipikit ang mata ko.

Lord help me.

THE CAMPUS KING Where stories live. Discover now