CHAPTER FOUR

0 0 0
                                    

Jaydee Ann

Kahit papaano nawala na ang kaba sa dibdib ko ng makatakas ako sa bwesit na club na yun. Hindi ko parin lubos maisip na ibenenta ako ng mama ko para lang sa pera na ipapagamot niya---wait anung pangalan nun Dylan? Dennis? Dino? Derek? Ay oo, Derek. Sino kaya 'tong lalaking 'to at kung nasaan man siya at kasama niya si mama sana naman nasa mabuti silang lugar at hindi sila mapahamak. Naiinis man ako sa mama ko pero wala naman akong ibang magagawa kundi ang mag-alala sa kanya dahil tumakas ako kay Mr. X baka pinaghahanap na rin si mama ngayon.

"Kumain kana ba?" nabalik na sa reyalidad ang pag-iisip ko ng magsalita si Drake. Yan ang pakilala niya kanina sa hagdan. Tinanguhan ko lang siya kahit ang totoo gutom na gutom na ako. Hindi naman nag-krakram ang tiyan ko kaya hindi niya naman malalaman kung gutom na ako o hindi.

Kanina ko pa napapansin na parang kaming dalawa lang ang tao sa bahay kaya kinutuban ako na baka nag akyat bahay lang kami dito at ang totoo ay hindi ito ang tirahan niya. Hindi sa masyado akong assumera pero mukha kasing hindi kanya 'tong bahay na'to 'e. Oo gwapo siya at mukhang mayaman naman pero hindi naman kapanipaniwala na kanya itong bahay na 'to---like duhh mukhang kaedad ko lang 'to eh.

Naglakas na ako ng loob para tanungin siya. Baka kasi ikapahamak namin to. Mas maganda ng sigurado kaysa hindi. "Nasaan magulang mo? Bakit parang tayong dalawa lang ang tao dito?" tanong ko. Nanliit naman ang mga mata niyang singkit na para bang binabasa ang nasa isip ko.

"Diba dapat ako ang magtanong sayo? Kung bakit ka hinahabol kanina? Kung bakit mo sila tinatakasan?"

"Naniniwala ako sa salitang Ladies first kaya ako ang mauuna"

"Okay, fine. Wala ang parents ko dito at hindi sila dito nakatira ako lang, nasa pinas sila at last akin ang bahay na 'to at uulitin ko ako lang ang nakatira dito"

Mapapanganga na sana ako sa pagkamangha dahil sa edad niyang yan may bahay na siyang ganito ka laki na ako nga walang wala eh pero bakit ganun? Paano naman nangyari ang ganito? Gaano ba siya kaayaman para magkaroon ng ganito kalaking bahay.

"Paano ka naman nagkaroon ng ganitong bahay? Gano ba kayo kayaman? Pustahan politiko magulang mo noh? Tapos nangungurakot kayo sa kaban ng bayan noh? O, di kaya anak ka ng isang drug lord kaya ka may ganito bahay? O, di kaya nagbibinta kayo ng mga parte ng katawan ng tao sa black market? Subukan mo lang ikatay ang katawan ko masasapak talaga kita" napayakap kaagad ako sa katawan ko. "O, baka kumukuha ka rin ng mga babae para ibenta ang katawan namin sa mga lalaki kaya ka nandoon sa bar para makakuha ng panibagong biktima at heto naman akong si tanga tanga nagpatulong sayo na tumakas at ngayong nakatakas na nagtagumpay kana sa plano mo kasi nandidito na tayo sa bahay mo"

"Ouch, grabe. Dapat nga ako ang magtanong sayo ng ganyan kasi pinatuloy kita sa bahay ko kahit hindi pa kita kilala. At tsaka ikaw na nagsabi kanina na 'ang magka babayan nagtutulongan' kaya heto tinulungan lang kita. Maliban nalang kung tama ang sinabi mo" napaatras naman ako dahil lumalapit siya sa akin.

"M-magpapahinga n-na ako, s-saan ako pwedeng m-matulog?" hindi niya ako sinagot, hakbang lang siya ng hakbang. Napasandal na ako sa dingding. Lagot corner na ako. Nakatitig lang ako sa mga asul niyang mga mata, nakakaramdam na ako ng pangamba sa tuwing humahakbang siya at isang hakbang nalang nasa harapan ko na siya, at sa sobrang lapit na niya sa akin nararamdaman ko na ang bawat paghinga niya. Umiwas ako ng tingin baka ano pa ang mangyari kung magtitigan lang kami. Nakaligtas nga ako sa club pero mara-rape pala ako dito. Akmang itutulak ko na siya dahil hindi ko na kaya ang malapit sa kanya pero biglang bumukas ang pinto sa likod ko.

"Diyan ka matutulog." sabi niya at nagmadaling umalis.

Agad akong pumasok sa kwarto at sinarado ang pinto. Inilibot ko naman kaagad ang tingin ko sa paligid kung may pwede ba akong iharang sa pinto para hindi basta basta mabuksan at laking pasasalamat ko dahil merong maliit na cabinet dito. Matapos kung harangan ang pinto mabilis akong humiga sa kama. Nakakapagod ang araw na 'to. Napahawak naman ako sa tiyan ko ng makaramdam ako ng gutom, dali-daling hinalungkat ko ang bag ko na nagbabakasakaling may natira pang biscuit sa bag ko. Nadismaya naman ako ng wala akong nakuha.

THE CAMPUS KING Where stories live. Discover now