CHAPTER ONE

8 0 0
                                    

JAYDEE ANN'S POV

Sa mga oras na 'to parang gusto ko ng matulog dahil bagot na bagot na talaga ako dito sa kinatatayuan ko. Kanina pa kasi ako dito naghihintay sa best friend kong si Paolo. Masasabi kong gwapo ang best friend ko dahil matangkad siya, bagay na bagay sa kanya ang makapal niyang kilay, mapupulang labi, matangos na ilong, makisig na pangangatawan, makapal din ang pilik mata, black na black ang mga mata, malalim na dalawang dimple sa magkabilang pisnge, makinis at maputing balat. Inggit talaga ako sa best friend ko kaya dapat mainggit din kayo dahil pag nakita niyo siya laglag panty talaga kayo pero---malaking PERO talong din ang hanap ng sirena na ito.

Nakita ko naman ang bayot na papalapit sa akin na may dalang burger at corneto. "Sorry na tagalan beshywapps, mey igop kese deen eh. Alam mo na ang sister mo hindi nagpapahuli. Kailangan may selfie sa gwapo para remembrance" sabi niya. Kitams bakla talaga. Nginitian ko nalang siya at tinanggap ang binigay niyang burger.

Napansin ko naman tinitigan niya ako at pagtingin ko sa kanya hindi nga ako nagkakamali dahil titig na titig siya sa akin. Parang hindi siya bakla. Ibinaling ko naman sa harapan ang tingin ko para hindi ako ma- distract sa kanya at baka masapak ko siya. Lalaki na ba siya?

"Aalis ka na ba talaga? Iiwan muna ba talaga ako? Besh alam mong ikaw lang ang nakakaintindi sa akin. 18 pa naman tayo ah. Wag ka nang pumunta sa Amerika. Sasabihan ko si Mommy na tulongan ka maka pasok sa restaurant niya. Please lang besh!" Aniya. Nakita ko naman sa peripheral vision ko tumingin siya sa taas. Hindi sa pag-assume pero alam kong iyakin ang baklang 'to kaya siguro tumingin siya sa langit dahil ayaw niyang tumulo luha niya.

"Alam mo naman besh na kailangan kong puntahan ang Mama ko doon at para makahanap din ng mas magandang trabaho. Kailangan ko rin itong gawin para makapagpadala ako nang malaking pera kay Lola at makapag-aral ang kapatid ko sa maayos na paaralan. Dun kasi pwede akong magtrabaho ng maayos at ng sa ganun ay makapagpahinga naman si Lola sa trabaho niya. Naawa na kasi ako kay Lola at lalong lalo na sa kapatid ko." hindi ko narin mapigilang mapaluha dahil naiisip ko palang sila Lola at ang kapatid ko naluluha na ako. Ayoko talagang iwan si Lola dahil kahit matanda na siya nagtratrabaho parin bilang isang katulong at ang kapatid kong hindi makapagsalita. Nasasaktan ako sobra pagnakikita ko sila.

Mahal na mahal ko talaga ang Lola ko kasi siya lang ang nagpalaki sa amin ng kapatid kong babae simula ng ewan kami ng Mama ko sa kanya. Lagi siyang nagtra-trabaho kahit matanda na siya. Nasa edad 50 na si Lola ko kaya lapitin narin siya ng sakit kaya minsan na aatat na ako mag 18 kaya ng mag-birth day ako nung April 8 naghanap na ako ng trabaho pang summer job. At nitong mga nakaraang araw lang naka tanggap ako ng tawag pero hindi galing sa mga inap-applyan ko ng trabaho kundi galing sa Mama ko at gusto niya daw ako makita at pinapapunta niya ako sa Amerika para mapa-buti daw ang kinabukasan ko at matulongan sila Lola. Masayang masaya ako nung time na yun pero naalala ko si Lola pati si bunso kaya tinanong ko siya kung bakit hindi kasama ang kapatid ko at si Lola pero laking dismaya ko dahil ayaw niya sa kapatid ko dahil meron itong kapansanan sa pagsasalita at ayaw niya rin isama si Lola dahil matanda na at walang magbabantay sa kapatid ko.

Naikwento ko naman kay Lola ang lahat, pumayag naman siya na pumunta ako. Kasi gaganda daw ang buhay ko sa Amerika at baka maka- jackpot ako ng mayaman na amerikano. Alam kong nasasaktan din siya sa kaloob looban niya pero ayaw niya lang ipahalata nun. Wala naman akong magawa dahil opportunity naman din ang pagpunta ko sa Amerika.

Bumalik naman ako sa realidad ng pitikin ng bakla ang ilong ko. "Go to earth besh, ako 'tong nagdra-drama dito nakikisali ka naman. Hindi naman siguro kita mapipilit sa gusto mo diba? Pag may kailangan ka wag kang mahihiyang tumawag sa akin. Mami-miss talaga kita beshy"

Masaya talaga ako kasi may best friend akong kagaya niya. Kahit hindi kami magkapareho ng school hindi niya parin ako kinakalimutan. Childhood best friend ko talaga itong bayot na 'to.

"Promise, pagkadating ko doon icha-chat kita sa Facebook at paiinggitin kita sa mga mapupuntahan ko doon. Hahaha. Mainggit ka sana please!!" natatawa man ako hindi ko parin maitatago ang kalungkutan sa mga mata ko.

"Oh sige. Hatid na kita sa Airport at baka ma-late ka pa. Awayin mo pa ako sa airport niyan at baka pagkamalang magsyota tayo. Kadiri niyon." sabi niya at tumayo na sa kinakaupuan namin.

--------------

"Okay ka lang ba talaga? Gusto mo ba talagang umalis? Pwede pang magbago isip mo besh" pangungumbinsi ni Paolo sakin.

"I have no choice. Basta bantayan mo si Lola at si Nicole hah! Sabihin mo sa kanila na love na love ko sila. Ikaw rin, mag paka lalaki kana para hindi kana masaktan pa. Ang panget mo pa naman kung umiyak. Hahaha" dinadaan ko nalang sa pagtawa ang kalungkutan na iiwan ko na talaga sila.

"Oh siya siya. Aalis na ako. Mukhang hanggang dito nalang. Bye beshy!" dagdag ko at sabay yakap sa kanya.

"Ingat ka palagi bakla! Bumalik ka dito pag ayaw muna sa amerika" paalam niya. Mga bakla talaga, tinatawag tayong bakla kahit babae naman tayo.

"Bye!" ani ko. Sabay hila ng maleta ko.

Hanggang dito nalang talaga.

--------------------
Author's note: Maraming salamat sa inyo dahil sa pagbabasa ng story ko. Kahit lame siya pinagtiyatiyagaan niyo parin. Love you all!!! And Happy New year!

THE CAMPUS KING Where stories live. Discover now