CHAPTER 32.

720 20 0
                                    

*Jayson POV*

Pagkatapos namin mag usap ni Mr.Ocampo ang Daddy ni Jane ay umalis agad ito..

At ako??
Syempre andito sa opisina..  -__-

Pero hindi ko parin maiwasan di maisip yung sinabi nya sakin..

Ewan ko ba..
Parang may pinapahiwatig,,
Pagbabanta??
Diko naman maintindihan..

(A- kasi bungol ka! Napakatanga naman! Jusko! Dami ng pahiwatig O mga signs binibigay sayo pero ang tanga mo pala talaga no? Di ko alam bat ang tanga mo Jayson..)

Oh??
Bat bigla ka naman lumabas sa POV ko??
Papansin ka rin no??

(A- tseeeee.. At least di ako TANGA AT BUNGOL)

tsss..

Hayss...
Kahit ganon sinabi sakin ni Mr.Ocampo hindi ko nalang pinansin yun..
Kahit na..

Agad ko naman tinapos yung work ko at dali daling umayos at pupunta pakong park..

Ilang minuto nakarating naman ako agad kaso medyo late lang ako kasi traffic..

Agad akong pumasok sa park
At inikot ikot ko yung tingin ko at hinanap sila Jane at anak nya..

Kaso iba nakita ko..
Magkasama sila buong pamilya at masayang masaya sila magkasama..
Mukhang nagkaoras na si Mike sa kanila ah??

Wala naman ako karapatang magalit o magselos kasi sya naman talaga ang tunay na may karapatan sa kanila..

Pero meron sa loob ko na naiinis ako sa nakikita ko..
Nahahawakan nya si Jane at yung anak ni Jane..

Bakit ko nararamdaman to??
Wala akong karapatan diba??
Pero bakit feeling ko nawawasak yung mundo ko sa nakikita ko??
Na iniisip ko kukunin naba sila sakin?? Pinahiram lang ba nya ito sakin ng sandaling panahon at kukunin na??
Hindi ko naman sila pagmamay-ari diba??
Bakit ko to nararamdaman??
Bakit??

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala yung luha ko habang nakatitig sa kanila..

Bigla naman napatingin sakin si Mike kung saan ako,,
Medyo nagulat pa ito pero bigla nyang inalis yung tingin nya sakin at nakipagtawanan ulit kila Jane..
Parang hindi nya ako nakita..

Kaya umalis na ako doon bago diko pa mapigilan ang sarili ko at lumapit ako sa kanila..
Ayoko na masaktan diba??
Bakit ang tanga ko??
Hinayaan ko na naman sya saktan ako ulit??

Nag drive ako pauwi sa condo ko..
Pagdating ko uminom ako agad ng alak..
Gusto ko pakalmahin sarili ko..

Gusto ko sanang tawagan si Nicole kaso busy pala yun sa Fiance nya..
Ayoko naman makaistorbo sa kanila..

Habang umiinom ako
Hindi ko maiwasan di alalahanin yung sinabi sakin kanina ni Mr.Ocampo..

>flashback<

Nang makapasok si Mr.Ocampo pinaupo ko sya doon sa sofa sa mini sala ko sa opisina ko..

Umupo ako sa harap nya..
Ilang sandali pumasok yung secretary ko may dalang juice at  binigay samin..
Lumabas naman sya agad..

"Sarili mo na pala itong kompanya mo Mr.Garcia? Mukhang asenso kana ah.." Sabi nito sakin saka kinuha yung juice at uminom..

"Yes,, Mr.Ocampo.. Ayoko naman po lagi naka asa kila Dad,, tsaka matanda nako para umasa.." Pabirong sabi ko..
Subrang seryoso kasi ng hangin sa loob ng opisina ko..

"Palabiro ka rin pala,," Sabi nito pero di naman sya tumawa seryoso parin sya..
Ngumiti nalang ako dahil wala naman ako sasabihin..

"Tsaka ano ba nakita sayo ng anak ko??" Sabi pa nito saka uminom ulit ng juice..

My Ex. Boyfriend Is My Boss [BOOK TWO UNDER EDITING!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon