CHAPTER 30.

779 25 0
                                    

*Jayson POV*

Pauwi nako habang nagmamaneho hindi ko maiwasang di mapaisip sa anak ni Jane..

Ganito kasi yun..

>flashback<

Kakarating ko lang ng kompanya binabati ako ng mga taohan ko ng magandang umaga..
Tango lang ang binabalik ko sa kanila..

Kasi hindi naman maganda umaga ko kaya tumatango nalang ako bilang respeto..

Nang nasa harap nako ng elevator bigla itong bumukas agad namang lumabas yung mga nakasakay doon..

Kaya pumasok ako agad..
Walang nagtangkang sumabay sakin dahil alam nilang ayoko may kasabay dahil ayoko makaamoy ng ibat ibang pabango..
Nakakasuka..

May bitbit akong laptop dahil dito ko na tatapusin yung trabaho ko kagabi na hindi ko pa natapos kaya hindi maganda ang umaga ko..

Nang makarating nako sa opisina ko binati ako ng secretarya ko..
Oo iba na secretary ko simula nung umalis sya..
At medyo may edad na rin itong secretary ko nasa 30's ata??

Ayaw ko sana mag secretary muli pero nang malaman ni Dad yun sya na kumuha ng sarili kong secretary..
Ayoko sana nung una pero wala nako nagawa dahil si Dad na nagpumilit..

At oo may tatay pako..
Hindi lang sya dito nakatira sa Pinas dahil nasa ibang bansa sila ni mama..

At hindi naman ako close sa kanila..
Ewan ko ba..

Oh well back to reality..
Tinangoan ko lang din yung secretary ko tsaka binigay sa kanya yung laptop..

"Paki Ayos nga yung tinaype ko jan..
Tsaka paki delete na rin yung ibang emails.." Sabi ko sa kanya tsaka pumasok sa opisina ko..

Ilang minuto din eh kumatok yung secretary ko at sinabing tapos na raw sya..
Kaya sinabi ko dahil nya dito at titignan ko..

At pumasok naman sya dala yung laptop ko..
Nilapag nya ito sa mesa ko at may nilapag na isang papel??
Or should I say litrato??

Kaya Nagtataka akong napatingin ako sa secretary ko..

"Ah sir, nakaipit po kasi yan kanina sa laptop nyo pagkabukas ko po.." Paliwanag nito sakin..

Kaya agad kong tinignan ito..
Tama ito yung picture namin sa park..
Si Jane at yung anak nya..

Pinagmamasdan ko kasi ito kagabi habang nagtatrabaho..
Ewan ko ba pero ang gaan sa piling pag nakikita ko itong litrato na ito..

"Ah sir asawa at anak nyo po ba yan? Ang Swerte nyo po..
Sa inyo po nag mana yung anak nyo po.. Kamukha nyo po sir.. Napakagwapo.. Sige po sir lalabas napo ako.. Tawagin nyo nalang po ako pag may kailangan po kayo sir.." Sabi pa nito tsaka nagpaalam na lalabas..

Pero ano sabi nya??
Anak ko?? Tapos kamukha ko??
Nag mana raw sakin??

Agad akong napatingin sa litratong sinasabi sakin ng secretary ko..
Kamukha ko ba??
Hindi ko alam..
Kasi wala naman akong picture nung bata pa ako..

Pero hindi ko alam..
Pero napangiti ako habang inaalala yung sinabi ng secretary ko..

"Sana nga anak ko ito at asawa ko sya.." Sabi ko sa sarili ko habang nakatitig parin sa litrato habang may ngiti sa mga labi..

>end of flashback<

Kaya kanina pako isip ng isip..
Bakit halos ata lahat sinasabing kamukha ko yung bata??

E'hindi naman ako ang tatay diba??
Hindi nga ba??
Ayy ewan!!

Kaya hindi ko na malayan ibang direksyon na tinatahak ko ngayon..
Papuntang park kung saan kame dati lagi ni Jane..

My Ex. Boyfriend Is My Boss [BOOK TWO UNDER EDITING!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon