CHAPTER 47.

1K 20 3
                                    

*Jayson POV*




1 week na nung nagsimula magtrabaho sa company ko si Jane as my secretary..
MY SECRETARY!!

I know na mayaman naman sila pero bakit gustong-gusto nya magtrabaho dito sa company ko?
May kailangan ba sya dito?
May mapapala ba sya dito?
Kahit hindi naman bilang secretary ang mga pinagagawa ko sa kanya..

Sa tuwing kung tatanongin ko sya na,,

"Bakit ba kasi ayaw mo pa umalis dito sa company ko? Hindi ka ba nahihirapan sa mga pinapagawa ko sayo? You are free to go Ms.Ocampo..
Hindi yung dito kapa makipag-tsismisan"
Sabi ko sa kanya ..
Gaya ngayon ang pinapagawa ko sa kanya ay mag lampaso sa loob ng office ko..

Sinadya ko talagang itapon yung kape na dinala nya para mabigyan ko sya ng trabaho..
Tsaka makita sya dito sa loob ng opisina ko at malayo Mark na yun..

Ewan ko!! na iinis ako sa tuwing nakikita ko sila magkausap sila nung mark na yun sa labas..
Hindi ba secretary ko sya?
Dapat dito sya..
Dapat mag trabaho sya..
Hindi puro chikahan!

Patanggal ko kaya yung Mark?
Kaso masyadong halata naman dahil wala naman sya ginawang mali..
Hindi naman sa nagseselos ako..
Galit lang talaga ako sa mga hindi nagtatrabaho sa oras ng trabaho..

Dapat ako kinakausap nya kung may ipapagawa ako sa kanya..
Dahil sa inis ko kaya nagawa ko itapon yung kape dito sa loob ng opisina ko saka sya tinawag sa loob para mag linis..

"I don't want to..
I need to do this..
I just want to help you.."
Yan lang lagi sinasagot nya saakin saka sya titingin ng diretso sa mga mata ko parang kinakausap ako?
O sadyang assuming lang ako..

"Tsaka hindi ako nakikipagtsimisan dito..
Kinausap lang ako nung tao..
Mabait naman sila saakin,,alangan naman hindi ko sila pansinin? Eh wala naman ako ginawa edi nakikipag-usap ako.."
Sagot ulit nito saka sya nagpatuloy sa paglilinis..
At talagang pinagtanggol nya pa yun?


"Tssss.."
Sagot ko nalang sa kanya saka ako pumasok sa kwarto rito sa loob ng opisina..

*BLAG*

Pabagsak na sinira ko ang pinto..
Naiinis ako..
Ewan ko kung bakit..
At mas naiinis ako sa sarili ko!!
Bakit ganito inaakto ko??
Bakit??

Napa face-palm nalang ako saka sinabunutan ang aking sarili..
Naiinis talaga ako sa aking sarili..
At kung bakit ko ito ginagawa?
Bakit nga ba?
Kung hindi dahil sa narinig ko at nalaman ko..
Hindi sana ako ganito na nagtatago sa kwarto at nagsisisi sa mga pinapagawa ko sa kanya araw araw..



>flashback<


Nagising ako dahil may humahaplos sa aking mukha pero hindi ko pinansin yun at nagtulog-tulog ako..

"Mukhang pagod na pagod ka ah?
Gaya ka parin ng dati..
Hindi ka parin nagbabago lalo na pagdating sa trabaho.."
Simulang salita nya at alam kung si Jane ito dahil hindi rin nagbago ang haplos nya.. Ganon parin..

"Hindi mo alam na kung gaano ko hinintay ang oras na ito na makalapit sayo malapitan.."
Salita nya ulit..
Tahimik parin akong nakikinig sa susunod nyang sasabihin..

"Hindi mo alam sa lahat ng panahon na hindi tayo magkasama lagi kita iniisip.. Lagi ko pinagsisihan lahat ng masasakit nasabi ko sayo at nagawa ko sayo.. Hindi mo alam kung gaano kita ka miss na habang sa tuwing nagkikita tayo gustong gusto kitang yakapin ng mahigpit pero pinapigilan ko ang sarili ko.."

'Pinagsisihan?
Kung nagsisisi ka sa pangalawang pagkakataon na nag kita tayo sinabi mo na sana ang totoo saakin at sinabing anak ko si Jm..
Bakit mo ba tinago?'
Gusto ko sana yang sabihin sa kanya kaso pinigilan ko aking sarili at nanatiling nakinig..

My Ex. Boyfriend Is My Boss [BOOK TWO UNDER EDITING!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon