Chapter 19

467 15 2
                                    


Sam'sPOV

Nakakalungkot pagmasdan ang lugar ng Legazpi Albay dahil sa patuloy na pag aalburoto ng bulkang Mayon medyo nagdidilim din ang kalangitan.

Patuloy lang ang pagtutok namen ng buong team ko sa kaganapan ng Mayon .habang nagpeprepared ako sa report tinanong ko ang isa sa mga staff  ko kung may alam ba silang medical Mission dito.

"Kuya Fred,may medical Mission ba malapit dito sa lugar naten?"

Tanong ko kay kuya Fred .

"Uhm may nagsabi sa akin na meron nga daw medical Mission dito para sa mga bata sabi nila sa bayan ata yun."
Tugon naman ni kuya Fred .

"Ah anu po daw name ng doctor.?"

Tanong ko ulit para malaman ko kung si Zhai ba iyon.

"Hindi ko alam sinong doctor pero babae siguro yun kasi sabi nila Andyan na si doctora."

Pagpapaliwanag n'ya ..nang marinig ko yun may kutob na ako. Baka nga si Zhai na iyon .nag sabi ako sa mga kasama ko na pupunta ako sa medical Mission para kausapin ang doctor duon at kung maaari ay maisama sa report namen.pinayagan naman nila akong magpunta muna mag isa duon.

Nakarating na ako Sa bayan nakita ko nga May tent duon at May clinic din nakita kong Maraming bata ang nakapila duon.
Nakita ko din May iba pang mga students doctors duon nag papractice pa Siguro ang ibang students na ito.mayamaya lumapit na ako at May isang babaeng nakaupo sa table at May papel na hawak ang nagtanong sa akin.

"Anu pong kaylangan nyo miss?magpapalista po ba kayo ng name ng bata.?"

Sabi nito sa akin.

"Hindi uhm,pwede ko bang malaman sino ang doctor dito?"

Tanong ko sa kanya.

"Ah si ma'am Zhai De Vera po sya po ang nag oorganize ng medical mission na ito .taon taon po nya Tong ginagawa para sa mga bata dito..actually sobrang dedicated nga si Doc kahit sa panahon na ito na nag aalburoto na ang bulkang Mayon nagpunta padin sya dito."

Sabi nito.

"Uhm ako nga pala si Sam Garcia journalist gusto ko sana makausap ang doctor na si Zhai De Vera gusto ko din kasi makibahagi sa medical mission nyo."

Sabi ko sa babae agad naman itong tumayo at Dinala ako sa loob ng clinic para makausap si Zhai.

"Wait nyo nalang po maam Sam May Tao pa po kasi sa loob "

Sabi nito sa akin tumango Lang ako sa kanya at hinintay ko na matapos ang pasyenteng nasa loob.medyo kabado din ako baka kasi magalit nanaman sa akin si Zhai pero susubukan ko padin syang kausapin gusto ko din talagang makatulong sa medical mission na ito.naalala ko ang lolo nya noon ganito din ito mahilig tumulong sa mga batang May sakit.talagang mag lolo ang dalawa dahil pareho silang May busilak na puso kahit na si Zhai ay tinatago nya ang pagiging malambot ng puso nya still nalabas padin ang totoong kabaitan nya.

Nakalabas na ang pasyente nyang bata kaya hindi na ako nagpatumpik tumpik pa agad na akong pukumatok sa pinto at pumasok.

"Yes,come in."

Maikling sabi nya matapos kong kumatok sa pinto.
Pumasok naman ako at Kita ko na nagulat naman sya dahil ako nanaman ang nakita nya.

"Anung kaylangan mo?"

Maikling sabi nya na halata sa muka ang pagkadismaya

"Naparito ako hindi para guluhin ka at kulitin May masmahalaga sana akong sasabihin sayo kung papayag ka?"

Sabi ko sa kanya na mahinahon

"Ano naman yon?"

Sabi nya na hindi padin na ngiti sa akin.

"Now I Tell You My Secret"Where stories live. Discover now