Chapter 6

508 14 0
                                    



-Zhai'sPOV-

"Doc Anu po bang lagay ng pasyente?"
Tanong ng isang lalaki ang ama ng batang may sakit na Cancer..

"To be honest 3months nalang ang taning nya stage 3 na ang lung Cancer nya"
Sagot ko sa tatay ng bata..bakas sa muka ng tatay ang labis na sakit hindi maipinta ang muka nito at halatang nawala sa sarili matapos marinig ang resulta ng medical test ng anak nya..

"Doc may pag asa pa po ba ang anak kong mabuhay?"
Tanong nya na maluhaluha pa ito..

"Pwede syang mag take ng medication pero Hindi yun garantisado na gagaling at mabubuhay pa sya"
Sabi ko na walang emosyon na para bang Hindi buhay ang nakataya sa sinasabi ko..well sanay nanaman ako dahil para sa akin ang buhay ay ganun Lang mawawala din at Hindi mo iyon makokontrol..

"Doc bakit Ganyan ka?parang sinasabi mong wala ng pag-asa ang anak ko kung magsalita ka ganun nalang kadali halata sa iyo baliwala ang pasyente mo..Hindi ka ba naawa sa anak ko ang bata pa nya para mawala sa Mundo."
Mangiyak ngiyak na sabi nito at medyo kinukwestyon pa nya ang pagiging Doctor ko..

"Alam mo sir Doctor Lang po ako Hindi ako Diyos para buhayin at dugtungan ang buhay ng anak nyo..well kung tinatanong nyo bakit ako ganito wag nyo ng tanungin dahil ginawa ko Lang ang Trabaho ko bilang Doctor Hindi ko na kaylangan ma Attach pa sa pasyente at tska mawawala nadin naman sila sa mundo bakit pa ako magiinvest ng feeling sa pasyente.."

Matiim na sabi ko sa kanya halata kong na inis na sya at Hindi na Ito nagsalita lumabas na din ng clinic ko at bago sya lumabas ng pinto humabol pa ito ng salita.

"Doc nasasabi mo yan dahil wala naman nagmamahal sayo ..nakakaawa ang mga taong hindi nakakaramdam ng pagmamahal..tama ka May taning na nga ang buhay ng anak ko pero kahit ganon nakaramdam sya ng pagmamahal at masaya sya at puno ng ngiti sa mga labi..masmapalad pa sya kesa sa buhay at malakas na tao pero wala naman nagmamahal.."

Matapos nyang sabihin ang lahat ng iyon tuluyan na itong lumabas..naiwan ako ng nakatitig sa pinto nagulat din ako sa sinabi ng taong iyon ..alam kong hindi ako dapat maapektuhan sa kanya tska sino ba sya hindi ko naman sya ka Pamilya para intindihin ang mga sinasabi nya..dinedma ko nalang iyon at muling bumalik sa Trabaho ng mapansin ko ang oras mag aala una na pala nakalimutan ko ng magtanghalian sa dame ng Trabaho ko ..kaya hininto ko muna ang Trabaho at lumabas sa clinic sinabi ko sa secretary ko Na magbbreak na muna ako..pumunta ako sa isang restaurant na madalas kong kainan kapag medyo wala ako sa mood at madaming hindi Magandang nangyayari sa buhay ko..tulad ng araw na Ito..ng makapagpark na ako sa parking lot sa tapat ng restaurant at bumaba ng kotse ko napansin ko maraming tao sa dikalayuan May napansin din akong mga media at nakita ko na May nasusunog palang Gusali doon pero naapula nanaman ang apoy kaya hindi na Ito kakalat pa..napansin ko ang isang reporter habang nag interview sa isang babae na mukang nakaligtas sa sunog..at Hindi ako nagkamali kilala ko ang reporter na iyon..ang taong kinasusuklaman ko ang taong sumira sa akin noon at sumugat sa puso ko..walang iba kundi si Sam Garcia sya ang babaeng ayaw ko ng makita pa..kapag nakikita ko sya sa news sa tv agad ko iyon pinapatay o kaya nililipat ng ibang Chanel ayaw ko ng makita pa sya bumabalik lahat ng sakit na ginawa nya sa akin..

*flash back*

"Babe ?ok kalang ba gising kapa..?"tanong ni Sam habang magka video call kame dahil nandito ako sa America habang sya ay nasa Pinas..long distance ang relationship namen pero matatag kame at patuloy ang contact namen

"Uo babe medyo nakaidlip Lang Anu na yung sinasabi mo?"
Tanong ko habang nag pupungas pa sa mata ko dahil medyo Antok na din dahil night shift ang duty ko ngayon sa Ospital...

"Sabi ko ang taas ng Grade ko at syempre ayo kong mapahiya sayo babe dahil ikaw ang nagpapaaral sakin kya Ginagalingan ko."

Nakangiting sabi ni Sam..ako ang nagbabayad ng tuition ni Sam gusto ko kasi syang tulungan na makatapos ng pag aaral 2years nalang naman at gagraduate na sya sa Kursong Mass Communications..Ito ang pangarap nya maging reporter at nung una ayaw nyang pumayag na tulungan ko sya nahihiya daw sya at magiipon nalang daw sya pero pinilit ko padin na tulungan sya at alam ko na iyong gagawin ko ay parang pinagpatuloy ko Lang ang nasimulan ni lolo na pagaralin sya noon at bilang Girlfriend nya gusto kong maabot ni Sam ang Pangarap nya kasama ako.. napapayag ko naman si Sam nangako sya napagbubutihan nya at kaya nya pagsabayin ang Pag-aaral habang nagtatrabaho sa Call Center dahil syempre kaylangan padin nya padalhan ang Pamilya nya sa Albay..

"Masaya ako babe konti nalang ga graduate kana.."
Masayang sabi ko

"Uo babe at sa graduation ko gusto ko andon ka ah."
Nakangiting sabi ni Sam.

"Syempre naman ako ang unang magiging masaya sa araw na iyon..sana lang kapag nakatapos kana sa Pag-aaral matanggap na din nila mama at papa ang relasyon naten.."
Sabi ko na medyo nalulungkot dahil sa totoo Lang Hindi payag ang magulang ko sa relasyon namen ni Sam gusto daw nilang magkaroon ako ng Pamilya yung lalake ang Asawa ko at magkaroon ng Anak pero Hindi pa din ako nagpapigil tuloy padin ang relasyon ko kay Sam sakabila ng pagtutol nila hindi naman nila ako pinakelaman Hinayaan Lang nila ako sa gusto ko at nagbabakasakali na magbabago pa ako at magaasawa din ng lalake..ayaw nilang makita si Sam ni ayaw nga nila itong kilalanin tanging si ate Chloe Lang ang tumanggap kay Sam napakabuti ni ate sa amen inunawa nya ang relasyon namen at
nirespeto.
———————————————————
Itutuloy..

"Now I Tell You My Secret"Where stories live. Discover now