SSY 12

40 7 0
                                    

Charwin Villegas

Point of view

Pumunta kami sa malapit na restaurant at syempre umorder na kung ano ano, lubusin ko na. Sa pagkain ko nalang ibubuhos ang sayang nararamdaman ko.

"Sabi po ni mama, kayo daw po nag pagamot sa akin noon?" Pagtatanong nito.

"Yeah, but forget about that baka sabihin mo sobra- sobra na ang natutulong ko sayo."

"Hala, hindi po ganu'n," mahina nitong sabi at umiling pa.

"Kumain ka muna kaya?"

Kalahating oras na kaming kumakain halos hindi na namin maubos lahat. Hindi ko narin namamalayan na lumalalim na ang gabi at nakalimutan kong may trabaho pa pala ako dahil nag- text sila Sandy at Fran kung papasok ba ako ng office. Maging si Dylan naman ay kanina pa nakamasid sa amin na may text pang enjoy daw kami sa date namin ni miss Hera.

"Sir. Pa-take out nalang po natin, busog na po ako eh. Tsaka sayang naman po kung itatapon. Ibibigay ko nalang po kay Mama," sabi nito at inililigpit yung mga pinagkainan namin. Sabi ko hayaan na lang niya may maglilinis naman.

"Sure. Oras na pala, ihahatid na kita sa inyo."

"Wag na po Sir!" Pagtutol nito.

"Isa," sabi ko at tiningnan siya ng seryoso sa mata niya.

"Sige po. Teka lang po may sasabihin pa po ako, yung sa trabaho po pwede pong mag- start na ako sa lunes?"

"Ha? Magpahinga ka muna," agad kong sagot.

"Hindi na kailangan Sir, wala naman po akong gagawin sa bahay."

"Sige..." Pag suko ko.

Ang kulit ba? Pero sana lunes na.

***

Isang araw ay hindi sumasagot sa mga text ko si Dylan, na kahit tawagan ko siya ay wala parin akong natanggap. Kaya pumunta ako sa school para ma- check kung andoon siya. Pero si Vittoria lang ang nadatnan ko, palabas na ito ng school. Hapon na at malapit na mag ala sais ng gabi.

"Ay kanina pa po kami umuwi pagkakuha ng mga cards at forms," sagot ni Vittoria.

"Ganu'n ba. Kasama niya ba si Dylan?" Tanong ko naman sa kanya. 

Nag-aalala na akong kung asaan yung dalawang 'yon.

"Hindi po, si Alvino po 'yung nakita kong kasama ni Hera."

Na-trace ko si Hera gamit ang Gps.  Pinuntahan ko iyon, may kalayuan ang lugar  kaya lalo ang nag-aalala dahil gabi na. Nakita ko ang kotse ni Dylan sa may labas ng isang restaurant.  Nang lapitan ko ang kotse ay walang tao doon. Kaagad akong pumasok sa may kainan.

"Mr. Genova! Huwag  niyo pong ipilit kung ayaw nung tao!" Naasar na sabi ni Dylan.

"Sino ka ba! Wala akong ginagawang masama rito! Bakit ka nangingialam ha?!" Dinig kong sigaw nila sa isa't isa.  Habang si Hera ay pilit ba umaawat sa dalawa, may ilang staff na rin ang dumating para pumagitna sila sa nangyayari.

Lumapit narin ako at hinila si Hera palabas ng sana ng restaurant pero napatigil ako.

"Hey! At sino ka naman?! Bakit ba kinukuha niyo si Hera ha? Tatawag na ako ng pulis!"

Hinarap ko si Alvino. Mas naging matured siya at halatang laki sa abroad. Nag-iba narin kasi ang itsura nito, naging maputi ba at pumayat at tumangkad pa.

"Charwin?!" at siya na rin mismo ang sumagot sa tanong niya.

***

Sa byahe, tahimik lang si Hera na kanina pa nakayuko. Nalaman ko na niyayaya ni Alvino si Hera na mag- attend sa isang party sa may Tagaytay. Hindi porke close na ulit sila ay hahayaan ko na sumama at sumunod si Hera sa mga gusto niya.

She Said Yes [COMPLETED] ✓Where stories live. Discover now