SSY 10

53 6 0
                                    

Charwin Villegas Pov

I was 12 years old noong pinalayas ako sa bahay ni Dad. Bakla ako bata pa lang.

Mataas ang pangarap sa akin ni Dad dahil ako ang nag-iisang lalaki sa aming dalawang anak niya.

Gusto nitong maging business man  ako at si Ate naman ay doctor. Nagalit siya sa akin dahil naglaho ang pangarap niya sa akin. Hindi ko masisisi kung bakit ganito ako.  Ginusto kong maging bakla, walang magbabago doon at dahil mahal ako ni mama ay hindi niya ako pinabayaan.

Kahit na wala ako sa bahay at kung saan- saan napapadpad may nakasunod sa akin para protektahan ako at bigyan ng kaunting pera. Hanggang sa lumaki na ako. Natutong magtrababo at gumapang sa hirap, kung ano- ano na ang pinasukan ko, magkaroon lang ng pera dahil ayokong umasa nalang palagi sa binibigay ni mama.

Nangako naman si mama na hindi niya ako pababayaan at handa siyang tulungan ako. Masasabi kong ulila ako, masakit dahil sarili kong pamilya ay tinaboy ako. Akala ko matatanggap nila ang pagkatao ko pero hindi. Natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa pero hindi maiiwasan na luluhod ako dahil ko kaya, na kakailanganin parin natin ng tulong ng iba hindi dahil nasaktan ka kundi nasa panganib ang taong mahal mo.

"HERA!" Sigaw ko. Maraming dugo ang lumalabas sa bibig nito. Hindi na niya mahawakan ang kamay ko.

Patuloy parin ang pag agos ng luha niya sa mga mata at at hindi ko na mapigilan ang paghagulgol ko.


"Stay awake please! Huwag naman ganyan. Hindi ko kayang iwan mo ako, Hera please!" Umiiyak kong sabi habang yakap ko siya at nakahalik sa noo nito.


Wala.

Wala akong narinig na sagot mula sa kanya kahit man lang igalaw ang labi nito ay wala akong nakita.


Dumating na yung mga barangay tanod ng hiningan  ko ng tulong.  Nahirapan din akong hanapin sila ng kuya niya pero hindi ako sumuko kahit huli na.


"Hera, mahal kita. Lumaban ka please," sabi ko habang hawak ang duguan nitong kamay.

Ang mga mata nitong nakadilat ngunit hindi kumukurap. Wala na akong maramdaman sa pulso niya pero hindi ako nawawalan ng pag-asa.  Mabubuhay siya, hindi siya pwedeng mawala kahit wala na  siyang hininga.



***

"Charwin, malabong maka-survive si Hera. Maraming dugo ang nawala sa kanya."

Nasa may hospital kami ngayon at papasok sa emergency room. Tinawagan ko si mama at ate para tulungan ako.


"Ate Cheska naman! Huwag mo nga akong tinatakot ha! Oh, heto kunin niyo lahat ng dugo ko. Please ate! Nagmamakaawa ako!"


Matagal ang naging operasyon. Masyadong critical ang lagay niya.  Ilang beses ko ng pinagdasal na makakaligtas si Hera. Alam kong lumalaban siya. Hindi naging madali yung operasyon sa kanya.  Tumagos ang isang pako sa likuran nito at muntik ng matamaan ang baga ni Hera. May malalim na sugat din ito sa ulo dahil sa malakas na hampas ng kuya niya. Namamaga ang likod nito maging ang leeg at ang kamay niya na puro gasgas at may pasa pa sa tiyan.


Kung pinigilan ko siyang sumama sa kuya niya, pero huli na. Sobrang nagsisisi ako.

Kasalanan ko lahat.


Isang taon na comatose si Hera sa hospital, kailangan pa niyang maka-recover ng maayos dahil sa natamo nitong mga sugat.  Nalaman namin na naapektuhan ang ulo nito, nagka- amnesia siya.

She Said Yes [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon