SSY 9

46 5 0
                                    


After 5 years.

Nakatingin ako sa mga nagtataasang mga gusali gaya ng kung nasaan ako. Mga sasakyan na nag-uunahan makausad kahit sobrang bigat ng daloy ng iba pang sasakyan.

Pasikat na ang araw at nasa paligid nito ang makakapal na ulap hindi dahil uulan kundi dahil sa mga usok na galing sa mga pabrika dito sa Maynila. Hindi tulad sa probinsya iba't-ibang ibon ang makikitang nagliliparan sa himpapawid pero ngayon kahit isang huni ng ibon ay wala kang maririnig.

Gayunpaman patuloy parin ang buhay. Napatingin ako sa mga pinto ng office ko nang may tumawag sa akin.

"Sir! Nasa lobby napo yung sasakyan niyo, may 1 hour and  30 minutes pa po kayo para makarating sa meeting sa may Luxury—"

"Nasaan si Fran?" Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita ang secretary ko ay agad ko na ito binato ng tanong.

"Si Mr. Fran po?  Opo tatawagin ko lang po nasa labas po siya," sabi nito at lumabas na ng office.

Kinuha ko na ang black coat ko at inilagay sa braso ko. Pumunta ako sa may salamin para tiningnan ang itsura ko. Mapapansin na walang kahit anong gusot ang suot kong puting long sleeves. Iniayos ko narin ang bagong gupit kong buhok dahil may formal meeting ako with other businessman about sa bagong product na ilalabas nila in public at pag-uusapan ang pagtaas ng demand pati ang sales ng kompanyang hinawakan ko.

Dalawang pagkatok sa pinto ang dahilan upang mapalingon ako sa may pintuan.

"Come in," sabi ko at bitbit ng bag  ko. Lumapit ako sa pinto para tingnan kung sino yung kumatok.

"Good morning Sir!" bati ni Fran.

Magulo ng bahagya ang buhok nito at wala pa sa ayos ito. Halatang tumakbo pa ng mabilis makapunta lang office. Inayos nito ang tayo niya at ayos ng necktie at kwelyo ng  suot na asul na polo.

"Same. Take in charge. Babalik din ako mamayang hapon. I-update mo ako sa—"

"Copy Sir! Akong bahala! Don't worry!"  Masiglang sabi nito.

"Tapos na ba akong magsalita?" Seryoso kong tanong.

"Pasensya na po Sir. Wala po kayo sa mood? Kulang sa tulog?"

"I'm fine." Walang gana kong sabi habang naglalakad sa hallway para makasakay ng elevator para mabilis na makababa sa ground floor, nasa may 45 floor pa kami.

Tumunog ang cellphone ni Fran, kinuha niya ito at binasa ang isang text message. Napatingin ako sa wrist watch ko.

Maaga pa.

"Sir? M-may may ano po kasi. . .Pupuntahan po ako mamayang 9. Pwede pong si Sandy yung secretery niyo po muna yung in- charge sa office?"

"Sino bang boss?" Walang emosyong tanong ko sa kanya.

"Ikaw po Sir."

"Sinong susundin?"

"Ikaw po Sir."

"Ahh! Akala ko ikaw itong susundin ko sa mga gusto mo Mr. Fran. Hindi naman sa lahat ng beses papayagan kita." I explained.

"Never mind nalang po Sir."
Naramdaman ko ang pagbagsak ng balikat nito at halatang dismayado.

"Is that important nor urgent?"

"Busy po kasi si misis at recognition po pala ng anak ko mamaya.

Tumunog na ang elevator kasunod ang pagbukas ng pinto nito. Huminga ako ng malalim at inabot ko yung isang susi ng sasakyan ko sa kanya.

She Said Yes [COMPLETED] ✓Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang