SSY 4

60 5 0
                                    

Hera Point of view

Sa school si Alvino lang ang ka-close ko, naging kaibigan ko narin siya dahil sa tagal naming magkakilala. Sa sobrang humble at approachable niya hindi ka makakatangi na makipagkaibigan sa kanya.

Madalas din siyang tumulong sa mga assignment at projects ko lalo na sa math. Ang galing niya sa math. Hindi mo na siya maawat kapag nagso-solve nasa papel at blackboard.

Pero kapag kami na magkausap wala kaming mga pinag- uusapang numbers. Puro tungkol sa akin at hindi mawawala yung pang- aasar niya.

"Hatid ulit kita ah?" Tanong nito.

Nasa loob kami ng classroom namin sa fifth floor, 6:30 PM na. Class dismiss na at iilan nalang kami andito. Medyo madilim narin sa labas.

"Huwag na, may may dadaan pa ako." Sagot ko habang inililigpit ang mga gamit ko na nakakalat sa mesa.

''Edi sasamahan na kita." Ang kulit talaga nitong Alvino na'to.

"Umuwi kana at magpahinga," sabi ko at iniwan na siya.

Pupuntahan ko lang si Charwin, dalawang linggo na akong walang balita sa kanya. Hindi narin ako nakakadalaw kay tatang Estong. Iba talaga kapag malapit na ang graduation.


Malapit na rin kasi ang exam namin.  Sumabay pa ang title defense namin sa isang subject. Puno na lahat ng schedule ko. Masyadong busy dahil naging student assistant pa ako.

Mabilis akong sumakay asa bike ko at dumiretso sa pamilihan sa bayan. Bumili pa ako na paborito niyang shawarma at iced tea.

Naramdaman ko bigla ang kakaibang kaba sa dibdib ko, ang pakiramdam na pinagpapawisan ako kahit ang lamig ng panahon.

Inayos ko pa ang buhok ko at ang sarili kong damit. Huminga pa ako ng malalim para pakalmahin ang puso ko.

Malayo palang ako sa kanya pero  nakita ko na agad siya.

"Ayos naman, basta sabihin mo lang sa akin. Andito ako," sabi ni char.

"Ikaw talaga Charwin, sa huwebes ah! Aasahan ko pagdating mo, nakulang sinasabi ko sayo!" sabi naman ng isang lalaki katabi nito.

Ang ngiti na nakapinta sa labi ko ay unti-unting nabubura. Oo, oo nakita ko siya, nakita kong may kasamamg iba. Bakit ang sakit?

Ano naman kung may kasama siya iba?

Hindi naman kami bakit ako nakakaramdam ng selos?



"Miss Alferez!" isang sigaw ang dahilan para magbalik ako sa sarili ko. Kanina pa pala ako nakatitig sa kanila ng hindi ko alam.

.
"Alvino?" mahina kong tanong ng makalapit siya sa akin na hinihingal pa.

"Hay nako, bumili kana kasi ng cellphone mo!" sermon niya.

"Bakit ba? Anong  ginagawa mo rito?" Tanong ko kaagad.

"Ang bilis mong nawala, pinapatawag ka ni madam principal. Maaga ka nalang bukas ah?"


"Oo sige. Salamat" sagot ko.


"Teka? Umiiyak kaba?" Tanong nito at inilapit pa ang mukha nito sa mukha ko, agad akong umiwas pero hinawakan niya yung pisngi ko.

"Al—" Napahintong ako ng may humila sa akin palayo sa kanya.

"Back off!" Singhal ni Charwin, samahan pa ng malalim na pagtitig kay Alvino.

She Said Yes [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon