Chapter 20

4.4K 149 1
                                    

Chapter 20

Binabakas ni Baba ang palad ni Dulce, habang ang isa niyang kamay ay hawak din nito. Nakasandal siya sa dibdib ng binata, prente sa posisyong iyon. Nasasanay na siya sa init nitong nakalapat sa katawan niya. Sa paglalayo nila ay para bang may kulang na sa kanya at babalik at babalik siay sa dibdib nito.

Gustong-gusto niya ang paghalik nito sa ulo niya, sa pisngi niya. Making love with him came naturally now. Being with him was the most natural thing in the world. And here they were, enjoying this nearness.

"Kuwentuhan mo pa ako, please?" paglalambing niya rito. Parati niya itong nami-miss, sa totoo lang. Nitong nakaraang isang buwan ay parating hindi sila magkasama, maliban sa gabi kung kailan umuuwi ito sa bahay niya. Sinabi nito sa ama nitong tumutuloy ito sa isang hotel.

"Ano ang gusto mong ikuwento ko?" sambit nito, hinagkan siya sa pisngi.

"Kumusta na ang Papa mo?"

"Maayos naman. Ang sabi ng doktor, basta't ma-maintain ang lagay niya, magtutuluy-tuloy na 'yon. Masaya siya. Masaya rin akong masaya siya."

"I told you he's nice." Itinaas niya ang kamay nito sa labi niya upang hagkan. "Are you officially a part of the Cardinal's clan now?"

"Inaayos na namin ang mga papeles pero matatagalan pa 'yon. Kung hindi lang iginigiit ni Papa, ayoko na sanang mag-aksaya sila ng panahon para ayusin ang papeles ko dahil ubra naman ang meron ako. Legal naman 'yon."

"Gusto lang niyang i-acknowledge ka."

"Alam ko." Bumuntong-hininga ito. "Malapit na yatang dumating 'yong DNA test result." Bahagya itong tumawa. "Marami pala talaga ang magrereklamo kung hindi mapapatunayan na anak ako ni Papa, ano? Ang dami kong kapatid. Iyong iba, nakilala ko na. Iyong iba naman daw, sa reunion ko pa makikilala. Hindi ako makapaniwala, Dulce. Bigla, ang dami kong kamag-anak. Ikinukuwento ko nga kay Macario. Nagulat din siya."

"Bakit hindi mo papuntahin dito si Macario?"

"Ayaw iwan ang parlor niya."

"So magsisimula ka na bang magtrabaho sa kompanya?"

Tumawa ito. "Mukha ba akong pupuwede sa opisina?"

Bigla siyang napapihit dito. "At bakit naman hindi? I bet you'd look cute."

Hinaplos nito ang pisngi niya. "Sa tingin mo?"

"Oo naman. Wala ka bang balak?"

Muli itong bumuntong-hininga. "Sa totoo lang, wala. Meron na rin naman akong pinagkukunan. Sa totoo lang, nalulula ako sa ibinibigay nila sa akin. Sa susunod na buwan, ibibigay na raw sa akin ang naipong dibidente. Hindi ko alam kung tatanggapin ko. Parang hindi tama, Dulce. Parang... parang hindi totoo."

"Shut up. Lahat kayo ay hindi mawawalan. Itinayo ang kompanya para sa inyong magkakapatid."

"Kung gusto mo, puwede tayong magpatayo pa ng pabrika ng furniture."

Muli ay napapihit siya rito. "Anong akala mo sa akin, poor?" Umingos siya kahit nag-init ang dibdib niya. "Oh, Baba, you're very sweet. Pero kailan mo ba talaga ako dadalhin sa Cavite? Gusto ko nang makita ang farm mo doon."

"Maliit lang 'yon."

"So what? Sabi mo may silong ang bahay."

"Puwede mong magamit."

Nagsimula silang pag-usapan kung ano ang magiging bagong hitsura ng bahay nito. Sa isip niya ay malinaw niyang nailalarawang-diwa ang bawat bahagi ng bahay. At oo, wala siyang problema kung doon siya tutuloy. Tama ito, maaari niyang magamit ang basement niyon para sa trabaho niya. Ang bahay niya naman sa Tandang Sora ay hindi niya ibebenta. Kailangan din nila ng matutuluyan kapag nasa Maynila sila. Hindi maiiwasang lumuwas dahil naroon ang negosyo niya.

Cardinal Bastards 1 - Baba Esperanza (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon