Chapter 10

4.6K 145 9
                                    


Chapter 10

Halos apat na oras inabot si Dulce sa kapitolyo. Ilang tao ang kinailangang bigyan ng lagay ni Baba para tulungan siyang makita ang mga record na kailangan niya. Hindi pa computerized lahat ng listahan kaya inabot sila ng matagal ngunit wala pa ring naging positibong resulta.

Deadend. Isang bahagi ng isip niya ang nais nang tumawag kay Joaquin upang sabihing wala siyang nakitang kahit na anong clue kung nasaan na ang kapatid nito ngunit sa isang banda ay halos natitiyak niyang hindi pa niya nagagawa ang lahat. Mayroon pang pag-asa, gaano man iyon kaliit sa ngayon.

Sakay ng motor ay bumiyahe na sila ni Baba pabalik ng Santa Fe. Malapit na sila sa bahay nito nang bumuhos ang malakas na ulan. Dahil wala silang masisilungan ay nagpatuloy na lang ito sa pagbiyahe, mas mabagal sa pagkakataong iyon. Nang marating nila ang bahay ay basang-basa na sila pareho.

"Tumuloy ka na sa loob," anito.

"Basang-basa ako."

"Ayos lang. Sige na."

Ngunit pagkatapak na pagkatapak niya sa loob ng bahay ay namatay ang kuryente. Kinapa niya ang. Narinig niyang pumasok si Baba. Naglabas ito ng lighter na mayroong flashlight sa ilalim, ibinigay iyon sa kanya. "Kukuha ako ng kandila. Malapit na ring maubos ang liwanag niyan."

"Salamat," aniya, tumuloy na sa silid niya. Hinubad niya ang basang kamiseta at pantalon. Eksaktong tuluyan nang bumigay ang liwanag ng flashlight ng lighter.

"'Eto na ang kandila..."

Napanganga siya nang makita si Baba sa pintuan. Mukhang nabigla rin ito. Sa liwanag ng kandila ay lalong tumingkad ang ginintuang mga mata nito. Such gorgeous eyes can light up a room. At parang nanadya, biglang nagkaroon ng kuryente. At hayun siya, nakapanloob lang—manipis na pangloob na basang-basa. Baba was wet all over as well. Hindi na nito suot ang jacket nito kanina. Bakat ang kakisigan nito sa basang kamisetang kulay-puti.

Her mind told her to cover herself up but she couldn't move. She just stood there, looking at him. Akala niya ay lalabas na ito ngunit hinipan nito ang sindi ng kandila, ipinatong iyon sa isang mesa. Muli itong tumingin sa kanya.

Say something. Say anything. Better yet, move, for heaven's sake!

Ngunit tila may magnet ang mga mata nito na hindi niya magawang lubayan ng tingin. Humakbang ito patungo sa kanya at muli ay nanaig na naman sa sistema niya ang nakakalunod na antisipasyon. The grace and power of his stride, his sinewy body, his incredible masculinity, his eyes. Oh, God, his eyes...

Magkakasunod-sunod ang naging paglunok niya nang ganap na itong makalapit at hapitin siya. The feel of his warm, wet body against hers was enough to make her feel as if she was going to spontaneously combust. Tinikman nito ang mga labi niya na para bang napakaselan ng mga iyon. She felt like a goddess, or an exotic fruit, carefully being tasted.

She had never been that aware of her body before. Tila isinisigaw ngayon ng katawan niya ang mga pakay niyon at biglang nagdumilat ang mga iyon sa kanya, nilunod siya. Now she felt hot, moist, silky. Bago ang mga sandaling iyon ay hindi niya alam na maaaring magkaroon ng mga ganoong pakiramdam ang isang babae, lalo na para sa isang lalaking halos estranghero pa sa kanya.

He's only seducing me. He's only seducing me, paulit-ulit na bulong ng isip niya ngunit higit na malakas ang dikta ng sistema niya: she wanted to be seduced. Badly.

Ang palad nito ay dumapo sa gilid ng kanyang leeg. He thumbed her skin, feeling her pulse. She was aware of her pulse, because all her senses heightened, were slowly peaking. To what, she was not sure but she was damned excited to find out.

Cardinal Bastards 1 - Baba Esperanza (COMPLETED)Where stories live. Discover now