Chapter 8

4.5K 144 2
                                    


Chapter 8

Nang marinig ni Dulce ang tunog ng motorsiklo ni Baba ay agad siyang tumayo, sumilip sa bintana ng bahay. Paparating na ito. Umalis ito upang kunin ang mga gamit na naiwan niya sa Paraiso. Lumabas siya upang salubungin ito at nabigla nang makitang wasak ang LV niya at ang tanging laman ng kanyang Versace ay ang sketchpad na lang niya.

"Ano'ng nangyari?" takang tanong niya kay Baba.

Bumaba ito mula sa sasakyan. "Hindi nila iniisip na makakabalik ka pa. Sakaling may mag-imbestigang taga-Maynila, makikita ang mga gamit mong wasak at kung may mahalaga kang dala, tiyak na wala na sa loob ng mga 'yan."

"They stole my purse! Good thing I still have my wallet but they stole my purse! All my ID's are in there!"

"Kaya nila alam kung sino ka. Paano nila nalaman 'yon, sa palagay mo?"

Nanggigil siya sa inis ngunit kinalma niya ang kanyang sarili. Nasa kanya pa ang wallet niya. Kahit paano ay hindi niya kailangang tawagan ang mga bangko. Iyon lang, ang kanyang tablet ay nawawala na rin. Walang legal na dokumento doon o anuman, ngunit naroon ang latest designs niya—ang sukat ng mga iyon. Kaya niya iyong ulitin, lalo na at naiwan sa kanya ang sketchpad niya. Naroon pa ang mga disenyong iyon.

"Paano mo nagawang makisama sa kanila?" sambit niya mayamaya. Muli, nadagdagan ang misteryo sa kanya ng lalaking ito.

Sabihing bago pa lang silang magkakilala at sa sitwasyong hindi maganda ay hindi niya madama rito na katulad ito ng mga halimaw na iyon. Kahit si Candida. Kung ilalagay niay sa grupo ang babae, walang dudang isasama niya ito sa grupo nina Rufo. Ngunit hindi si Baba.

Tumaas ang sulok ng labi ng lalaki. "Anghel ba ako sa paningin mo?"

Bigla siyang napikon. "Bakit ba parati kang naiinis sa akin?"

"Dahil masyado kang mabilis magtiwala." Pumasok na ito sa loob ng bahay, bitbit ang laslas niyang bag. Ipinatong nito iyon sa sofa.

"Ang ibig mong sabihin, imbes na ikatuwa mong may tiwala ako sa 'yo, ikinaiinis mo pa? Ikaw lang yata ang taong ganyan. At sino ang nagsabi sa 'yong buo ang tiwala ko sa 'yo?"

"Kung hindi buo ang tiwala mo sa akin, anong tawag mo sa sarili mo na nandito ka pa?" Pumihit ito, humakbang patungo sa kanya. Pinagmasdan siya nito mula ulo hanggang paa, saka ito ngumisi. "Kunsabagay, pabor nga siguro na ganyan ang tingin mo sa akin."

Nang humakbang ito patungo sa kanya ay kusa siyang napaatras. "B-Baba, ano ba? 'Wag ka ngang g-ganyan." Nagkaroon ng nginig ang tinig niya at mayroong nabuong kaba sa dibdib niya. Kabang hindi nagmumula sa takot.

Patuloy na lumapit ang lalaki hanggang sa wala na siyang maatrasan. Pader na ang nasa likod niya. Inilapat nito ang magkabilang palad sa pader, nakulong siya sa mga bisig nito. Man, did he smell good. She loved his natural masculine scent. It reminded her of summer because it was clean and fresh yet warm to the nose. And the warmth extended to her senses.

Inilapit nito ang mukha sa kanyang mukha sa gawing nakapagpaalalang muli sa kanya ng isang leon—graceful, sleek, yet ferocious—intense. Lion eyes, her mind whispered seductively.

Napasinghap siya nang kabigin siya nito, saka nito inilapit ang bibig sa kanyang leeg—hindi upang hagkan siya doon kundi tila upang amuyin siya, o tudyuhin ng mainit na nagmumula sa mga labi nito. Batid niyang dapat siyang kumawala, itulak ito, ngunit hindi niya magawa.

She had always been prim and proper, but being near him, suddenly she had become sort of a daredevil, yearning for something wild to happen. Bumilis ang pagtibok ng puso niya, ninais na dumampi ang mga labi nito sa kanyang leeg at para bang mababaliw siya kapag naantala ang lahat ng iyon.

Cardinal Bastards 1 - Baba Esperanza (COMPLETED)Where stories live. Discover now