Date

160K 3.2K 399
                                    

Dedicated to Anne who answered peanuts :)

Helga's POV

Napukaw ang aking pagtitig sa nakaupong si Kier nang makita kong palapit sa akin si Clyde.

"Hey" bati niya nang nasa harap ko na ito mismo.

"Tapos na kayong maglaro?" tanong ko.

Tumango siya. "ayaw na ni Kier sumali eh. Mukhang wala na sa mood."

"Ahhh.." wala na akong masabi. Naco-conscious kasi ako sa titig niya.

"Come lets get you a snack. Im sure gutom kana."

"Naku huwag na. Binabantayan ko kasi yung mga bata." sabay nguso sa kambal.

Napakamot siya sa ulo. "What about a dinner tonight?"

"Ha eh kasi----"

"Ipagpapaalam kita kay Kier. Papayag yun! come..." hinila niya ako palapit kay Kier. Nagpatianod na lang ako dahil mahigpit ang pagkakahawak niya sa papulsuhan ko.

"Couz, pahiram si Helga mamayang gabi ah" panimula ni Clyde ng makalapit kami kay Kier. Napatingin ito kay Clyde ngunit pinasadahan niya ng tingin ang kamay ni Clyde na nakahawak sa akin.

"Hindi siya gamit kaya hindi ko maaaring ipahiram," aniya sa seryosong tono.

"Haisst. Oh siya siya... Im inviting Helga for a dinner tonight. Kaya ipinapaalam ko sa iyo."

"Aalagaan pa niya ang mga bata." pagdadahilan ulit nito.

"Tulog naman na ang kambal pag sundo ko kay helga."

"Madaling-araw natutulog ang mga bata kaya malilipasan na ng gutom si helga."

Palipat-lipat lang ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"Kakausapin ko yung mga bata na matulog ng maaga."

"Matigas ang ulo nila. Mas gusto nila maglaro."

"Hindi yan. Couz naman. Ngayon lang naman."

"Ngayon lang? Hindi na mauulit?"

Tumango si Clyde. Mas malala pa pala itong si Kier kay Lola kung magbigay ng permiso. Ang istrikto eh.

"At tsaka couz... dinner lang ang hinihingi ko sayo,hindi pa kamay ni helga. Bat ang dami mong tanong?"

"Dahil ako ang tinatanong mo. Hindi naman ako ang sasama sa iyo." simpleng sagot ni Kier.

Bumaling sa akin si Clyde. "Ahm.. Helga pumapayag ka na ba?" nag-puppy eyes pa ito.

Tumngin ako kay kier ngunit poker face lang naman siya sa akin. Sinesenyas ng mata ko na pigilan niya si Clyde ngunit mukhang hindi niya maintindihan.

Napipilitang tumango na lang ako.

Kasabay ng pag'YES' ni Clyde ay ang pagwalk-out ni Kier.

 Anong nangyari doon?

"Asar talo talaga iyon." komento ni Clyde sabay nguso sa papalayong si kier.

Tinignan ko siya ng puno ng pagtataka.

Nagkibit-balikat lang siya.

"Mommy..mommy," napalingon ako kay Joaquin na tumatakbong lumapit sa akin.

"Mommy?" takang tanong ni Clyde. At tsaka ito tumawa ng pagkalakas-lakas.

Pinag-taasan ko siya ng kilay. Tumahimik naman ito.

Yumakap si Joaquin sa may binti ko at tsaka tumingala sa akin.

Ang luwang ng ngiti nito.

"Sabi ni Kuya,mommy na daw po ang tawag ko sa iyo." excited na sabi niya.

Romancing the NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon