Amanpulo

30.4K 661 9
                                    

Helga's POV

Another day have passed and nababagot na ako. Kaya dito na lang ako sa opisina ni Ate Olga tumatambay, planning things of what to or should I do. 

Busy ako sa pag-search ng mga schools sa laptop ko nang tawagin ako ni Ate para lumapit sa kanya.

Inabot niya sa akin ang isang folder na may company logo namin. I know what this is. Kumunot ang noo ko na binuksan ang laman ng folder.

It was a contract. I knew it.

"Ate, tapos na ako sa ganitong trabaho. The South Africa was my last assignment."

"Please Helga. Last, as in super last na talaga ito. Wala na akong available na Nanny for one of our loyal clients."

I sighed. "Kung loyal na sila sa atin, why don't they just hire a permanent Nanny?"

"What do I know? We can't question our client's decision, Helga."

I read the contract. It was for a client named Mr. and Mrs. Moreau. The family is going for a vacation in Amanpulo for 3 days. Nanlaki ang mga mata ko.

"Sige na, 3 days lang."

"Have you read the contract? They are going to Amanpulo." I hissed.

Nagkibit-balikat si Ate. "So what? Sabi nga nila, trabaho lang walang personalan."

I made a face. "Nakalimutan mo bang trabaho lang din dapat ang ipupunta ko doon, noon."

Wala naman talaga kaso sa akin ito kung sa Amanpulo or saan pa, gumagawa lang ako ng dahilan para hindi tanggapin ang trabaho. Naka-vacation mode na kasi ang katawan ko.

Tumawa siya. "So what is your point again? Amanpulo lang naman ang common denominator. It is not as if magka-inlove an kayo nung magiging amo mo. Happily married ito at may katandaan na, okay. Don't overthink."

"Ah basta, just hire a new Nanny."

"For a three days assignment, no way. Mag-backlog ang company natin ng mga Nanny na walang trabaho. At tsaka isa pa, pag-aari ba ng Ex mo ang Amanpulo? At akala ko ba nami-miss mo sila, oh kaya doon ka mag-reminisce ng memories."

"Ewan... hay, ewan talaga!"

 Tumatawa lang naman siyang nagpatuloy sa pagbabasa ng documents.Sinamaan ko siya ng tingin.

"Oh, naka-move on ka na? Nagpa-iksi ka ng buhok for nothing?"

"Mainit sa Africa kaya nagpagupit ako!"

"So hindi ka pa nakamove-on kay Mr. K."

"Obviously! Oo na, nandito ako para hanapin sila tapos pagtatrabahuin mo ako!" I exclaimed.

"Three days lang naman at tsaka hindi naman aalis yung company ni Kier. Pwede mo siya puntahan doon... nahihiya ka pa!"

"Hindi ako nahihiya... humahanap ako ng tiyempo!"

"Oh yun naman pala. Habang naghahanap ka ng tyempo, mag-trabaho ka muna sa akin. This will be the last favour from me and the company. Alam mo naman kung gaano kapanatag si Daddy na kaya kong i-manage itong company."

I looked at her in frustration. I feel bad enough na ayokong magtrabaho as an admin ng company ng pamilya namin.

"Fine! You have to promise this will be the last."

"I promise!"

"No... I want a paper document of your promise, notarized by our Attorney."

"Hay naku, oo na!"

Romancing the NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon