Wife..what?

171K 3.3K 390
                                    

Wow. 500K reads and #11GF-#17R. Thankiss!!! Dedicated to Dyonna who answered If Only :)

Special Mention to Jihan Vivien Lumampao. Hi there sweetie. I might use your name Vivien sa mga susunod ko pang istorya. Hahha.

Helga's POV

Magmula kaninang paggising ko ay iniiwasan ko na si Kier. Lagi akong nakabuntot sa kambal dahil ayokong mapag-isa kasama siya.

Nahihiya ako sa mga pinagsasabi ko sa kanya kahapon.

"Tita look oh I made a flower," nakangiting sabi ni Joaquin. Nagguhit kasi siya ng korteng bulaklak sa buhangin.Tapos pinatungan lang niya ng isang layer ng buhangin. Yung simpleng bulaklak na may bilog sa gitna at limang bilog sa bawat gilid niyon.

"Joaquin..Flower is too girly. " komento ng isa. Palagi na lang itong kontra sa kapatid. Kasalukuyan itong gumagawa ng sand castle. Ginagamit niya yung maliit na timba.

"Im giving it to Tita Helga."

"Aww. thank you baby," sabi ko.

Ngumiti lang siya sa akin at nagsalok na ulit ng panibagong buhangin gamit ang timba niyang kulay asul.

"Helga come join us," kumakaway na anyaya ni Clyde. They are playing beach football kasi. Habang binabantayan ko naman ang kambal na naglalaro ng buhangin.

Tumingin naman sa akin ang mga babaeng nanunuod sa laro nila. At tsaka nila ako sabay-sabay na inirapan.

Problema ng mga iyon?

Biruin niyo ilang oras nang naglalaro ang mga magpipinsan ganun na din katagal sila pinapanood ng mga babaeng guests dito sa resort. Para nga silang artista. may mga kumukuha pa nga ng mga litrato.

Paano naman kasing hindi sila pagkakaguluhan eh its either they are topless or just wearing a sando and boardshorts. Isama mo pang puro sila magagandang lalaki.

Para silang living statue ng Greek Gods na nakatayo sa gitna ng init.

Sinenyasan ko si Clyde na hindi ako pwede. Hindi rin naman ako makakapaglaro ng maayos.

Una,hindi ako marunong ng beach football. I hate sports.

Pangalawa, lahat sila mga lalake. Inaaya nila yung asawa at ibang pinsan nilang babae pero umayaw ang mga ito. Si River nga todo cheer lang sa mga kapatid na sina Hunter at Kier. Nagpapalakasan sila ni Alejandra ng pagsigaw. Nahiya ako sa katawan nila. Nahiya ang kaunting bilbil ko. At ngayon ko pinagsisisihan na kumain ako ng choclate ice cream kanina.  Mabuti na lang one piece swimsuit ang suot ko. At least naitago ang tiyan ko. Samantalang si River ay naka-one piece lang kulay itim. Si Alejandra naman ay nakashorts at crop top.

Pangatlo, walang titingin sa mga bata. At iyon ang trabaho ko hindi ang makipaglaro sa mga amo ko.

Hindi na rin naman nagpumilit si Clyde. Naintindihan naman niya siguro.

Ipinagpatuloy na nila ang paglalaro. Base sa nakikita ko kalaban nina Clyde at Hunter sina Kier at mga kapatid niya. Sinadya ata nilang paglabanin ang mga magkakapatid.

Itinoon ko na lang pansin ko sa mga bata. Mabuti na rin ito kaysa dumapo na naman ang tingin ko sa katawan ni Kier na nangungusap. Idagdag mo pang sunog na ang balat nya dahil tirik pa ang araw kaninang nagsimula silang maglaro. Mas nadagdagan ang sex appeal niya.

Hindi ako pwedeng makaramdam ng higit pa sa atraksyon.

OO. Noong una nagugustuhan ko na siya. Magmula nang matitigan ko ang mga mata niyang nag-iiba ng kulay.

Babae lang din ako. Normal na nagkakagusto sa mga gwapo.

Pero natakot ako nang hinalikan ko siya ay iba ang naramdaman ko. I never felt this to any man I've dated. Kapag kaharap ko siya naiilang ako. Pinagpapawisan. Kinakabahan. Na kapag nagdikit ang aming mga katawan ay tumataas ang mga balahibo ko.

Romancing the NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon