Chapter 19

1K 39 6
                                    

Chapter 19

Randy's POV

" Inaantok ka na ba? " tanong ko sa kanya , andito kami ngayon sa terrace niya dito sa kwarto niya 

" Nawala na antok ko eh! " sagot naman niya sa akin habang nakatingin sa bilog na buwan

" Sorry kung nagising kita kanina ah! " sabi ko " Pero baka nagising ang diwa mo dahil sa halikan natin kanina " sabi ko at nakita ko namang namula yung pisngi niya

" Asaaaaaaaaaaar ka! " sabi niya sabay hampas sa akin

" Uh right .. hindi na yon! " sabi ko sa kanya , ang sakit kaya ng hampas niya

" Bakit? " tanong niya , naguguluhan na naman ako

" Anong bakit? " 

" Bakit nagawa mo akong hintayin? Kahit walang kasiguruduhan na magbabalik ako! "

" Siguro ramdam kong magbabalik ka sa takdang panahon , at once mangako ako , gagawin ko talaga! "

" Paano pag sa pagbalik ko may asawa't anak na pala ako!? "

" Gaya ng sabi ko kanina , tatanggapin ko kasi doon ka sasaya pero sa ginawa natin , i mean the halikan baka kung ano pa yung maisip mo diyan " natatawa kong sabi " , inismiran lang niya ako

" Umayos ka nga! " ani niya 

" Yun nga napatunayan kong wala kang iba , wala kang asawa! " sabi ko sa kanya " Pero paano pag ako yung may iba? " curious kong tanong sa kanya

" Magagalit siguro kasi nga nangako ka sa akin na hihintayin mo ako hanggang sa magbalik ako " sabi niya sabay yakap sa bewang ko

" Ang swerte ko naman sayo non , haba ng hair ko " natatawa kong saad sa kanya , sabay yakap na din sa kanya 

" Baliw! " 

" Sino si Clyde? " tanong ko sa kanya habang nakatingin sa kanya , pero siya ayon nakatingala parin siya sa buwan

Better Left UnsaidWhere stories live. Discover now