Chapter 1

2.6K 39 7
                                    

- Asher's POV -

Welcome to the Philippines again mga balikbayan " ani nung stewardess na nasa may pintoan ng airplane , ngumiti lang ako dito pagod na kasi ako e sa byahe ng ilang oras , ang sakit-sakit pa ng pwet ko kaka-upo

Pagkalabas ko ng airplane , dali-dali na akong pumunta sa may entrance , andon daw kasi ang magsusundo sa akin sabi ni Shera , which happens to be my TWIN SISTER. 

*Flashback*

Medyo matagal-tagal din akong natauhan sa nakikita ko , kung hindi lang sumigaw si Mommy siguro hindi ako babalik sa ulirat ko.

" Si Mommy ba yun? " tanong ng kaharap ko ngayon , the hell tinawag niyang Mommy ang nanay ko , so meaning kilala niya ang Nanay ko. Pero posible naman talaga yon e kasi nga diba magkamukha kami.

" Uhh .. oo " sagot ko naman sa kanya

" Can i come in? " tanong niya sa akin

" Di ka naman siguro masamang tao? " tanong ko , alam kong its a stupid question pero para na kasi akong baliw kakaisip kong bakit kami magkamukha , ni wala man lang akong alam tungkol dito

" Seriously? " tanong niya sa akin , naka poker face lang siya

" Tch .. fine pumasok ka na nga .. " sabi ko nalang " Mom may naghahanap sa inyo! " tawag ko kay Mommy na ngayon e nasa likod bahay lang , mahilig kasi ito mag garden.

" Coming honey " sagot ni Mommy sa akin

" Hintayin mo nalang siya " sabi ko sa kaharap ko ngayon , na naka-upo lang sa sofa ng pamamahay namin

" Alright then .. " sagot lang niya sa akin " May problema ba? " tanong niya sa akin , tutok na tutok kasi ako sa kanya

" Ah eh wala naman .. " sagot ko sa kanya

" Alam kong marami kang tanong diyan sa isip mo .. pero cant you see were twins " maarteng sabi niya

Magsasalita na sana ako ng biglang .. 

" SHERA? " si Mommy at nagmamadaling yakapin yung twin ko daw , obviously twin sister ko nga kamukhang-kamukha e

" Mom *huk* " at yon nakita kong umiiyak siya

" Hey honey what happen? " tanong ni Mommy dito

" Mom *huk* .. " puro lang ganon ang sinasabi ni Shera kay Mommy

" Anong bang nangyari? Bakit napapunta ka dito sa New York from Philippines!? " tanong ni Mom bakas na yung pagiging worried nito kay Shera

Pero hindi man lang nagsalita yung si Shera , tiningnan lang niya ako kaya ayon napatingin din si Mommy sa akin. Nag senyas naman si Mommy na lumapit ako sa kanya , kaya ayon lumapit na din ako dito masunurin kasi akong anak e.

" Asher baby i want you to meet your twin sister Shera! " pakilala ni Mom " I know .. gusto mong magtanong pero tsaka na ha pagkatapos naming mag-usap ng kapatid mo " dagdag ni Mom , tumango naman ako

" Okay lang Mom , magbibihis na lang din ako aalis kasi kami ni Olliver " sabi ko kay Mommy

Si Olliver ang boyfriend , sabi ni Mommy perfect boyfriend daw si Olliver kasi kahit tadyakan ko pa sa harap ng tao okay lang dito , pero siyempre hindi naman umabot sa ganon kasi alam ko lahat may limitation sa relasyon. At tsaka hindi naman ako ganon para manakit ng tao. Lumaki nga ako dito sa abroad pero hindi ako liberated tulad ng iba.  Pinalaki ako ni Mom na may pusong pinoy at kumilos na parang pinoy.

Better Left UnsaidDove le storie prendono vita. Scoprilo ora