Chapter 4

1.6K 40 4
                                    

- Asher's POV -


Hindi na muna ako nagsalita habang kinakausap ng isang boy namin si Manang , doon na ako nagtaka ng biglang lumaki ang mata ni Manang at tumingin siya sa akin na parang nababahala. Nakita ko namang tumango si Manang , tiningnan naman ako ng boy namin bago umalis. Mas lalo tuloy akong nagtaka kung ano yung pinag-uusapan nila

" Bakit po daw? " tanong ko agad kay Manang

" E kasi Asher .. ano eh! " parang nagdadalawang isip si Manang na sabihin sa akin kong ano ang problema

" Ano po yon? Huwag kayong mahiya sa akin! " sabi ko naman dito

" E kasi ano eh .. Eiii paano ko ba sasabihin sayo ito!? " ani ni Manang

" Ano po? Sihe na po sabihin niyo na pati ako nababahala e! " 

" SiKDJAKJAKJR " sabi ni Manang , di ko siya naiintindihan kasi dire-diretso yung pagkasabi niya

" Manang dahan-dahan lang .. wala naman tayo sa karera! " sabi ko

" Pambihira naman kasi e! " sabi ni Manang

" Sige ho kung di niyo kayang sabihin sa akin .. yung boy nalang ang tatanungin ko! " sabi ko kay Manang , tatawagin ko na sana yung boy pero hinawakan ni Manang yung braso ko at nagsalita

" Si Randolph daw nasa labas! " sabi ni Manang

Di ako agad nakapagsalita kasi sini sink - in ko pa yung sinasabi ni Manang. Kung totoo naman yon ganito ba talaga kaaga para makaharap ko yung Randolph na yon .. Akala ko pa naman matatagalan pa , minsan kasi naisip ko for 2 months na wala si Shera dito sa Pilipinas at ni hindi ma contact ang kapatid ko , naisip kong sumuko na yong Randolph na yon. Pero paano pag pumunta lang siya dito para awayin ako , well dapat si Shera pero ako yung nagpapanggap e so ako nga mapapagalitan niya. 

Nagbuntong hininga muna ako ..

" Okay ka lang? " tanong ni Manang

" Okay naman po ako e! " sabi ko naman kahit hindi kasi kinakabahan ako

" Kung ayaw mo siyang makita sa ngayon , papa alisin ko na muna! "

" No .. kasi kapag pina alis natin siya mas lalo siyang magpumilit! " sabi ko 

Better Left UnsaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon