Chapter 10

947 16 2
                                    

THIRD PERSON'S PoV

Kampante na ngayon si Kisha habang nakahalukipkip na naglalakad palabas ng gate. Day off ngayon ng driver nila kaya napagdesisyunan niyang mag-bus nalang, besides, may bus station namang walking distance lang sa school nila.

Ngiting-ngiti siya ngayon dahil kampante siyang magiging successful ang buong klase sa pagkuha ng mataas na class average for this coming assessment exam dahil sa plano niya.

When Kisha was close to the bus stop ay...

"Ate ate, palimos po."
"Ate ate, pangkain lang po namin."

Kisha's attention was diverted dun sa mga batang biglang lumapit sa kanya at namalimos.

Dalawa sila, magkaparehong babae. Andudungis ng mga ito at ang papayat pa. Tuloy ay di maiwasan ni Kisha na maawa sa mga ito.

She kept her arms down and bent her knees as she talks to them.

"Hindi pa ba kayo nag-eat?" she asked them with worries.

"Opo ate, kahapon pa po." sagot nung isang bata.

Si Kisha naman ay namilog ang mga mata dahil sa narinig.

'Kawawa naman 'tong mga 'to.' she thought.

Kahit naman maprada siya noh ay marunong naman siyang makaramdam ng awa at hindi rin siya maarte.

She smiled at them and said, "Gusto niyo eat tayo. Hungry na rin kasi si ate eh."

Napahawak pa siya sa tiyan at umarteng gutom kahit ang totoo'y kakakain lang niya kanina sa canteen bago pa siya lumabas ng school.

"Opo opo." sagot naman ng mga bata.

"Yey! Tara punta tayo dun oh." para na rin siyang bata na tinuro ang isang malapit na food stall.

"Yeeey!" masaya namang sabi ng mga bata. Walang kaarte-arte niyang hinawakan ang mga kamay nito at magkasamang tumakbo papunta sa kakainan.

***

"May mga magulang pa ba kayo?" tanong ni Kisha sa mga bata habang kumakain.

Nagpakilala sila sa isa't-isa kanina. Magkapatid pala ang mga ito, Mimi ang pangalan ng nakakatanda at Nene naman ang pangalan ng nakababata.

"Oo ate Kisha." sagot ni Nene.

"Asan sila, ba't kayo nandito?" tanong pa niya sa mga ito, hindi niya maiwasang macurious sa buhay ng mga bata.

"Hmmm, si Papa nasa bahay inaalagaan si Mama, nagkasakit kasi si Mama. Wala rin kasing trabaho si Papa. Umabsent muna kami para tulungan siya makahanap ng pera pampagamot ni Mama." sagot naman ni Mimi.

"May mga kapatid pa ba kayo?" Kisha asked.

"Opo ate. Si Kiko, nasa bahay lang. Daycare na po yun." sagot naman ni Nene.

"Alam mo ate Kisha ang ganda niyo po..."

"...tas ang bait pa." ngiti ng mga bata sa kanya, fluttered naman siya dun.

"Naku kayo talaga. Bola o." nahihiya naman niyang sabi and at the same time proud.

"Totoo naman po eh." sabi ni Mimi.

"Asus. Sige pa kain pa kayo o. Andami niyang na order natin. Nga pala, yung take out dalhin niyo yun pauwi ha, madami rin yun, share nyo sa kapatid at magulang niyo." ngiting sabi naman ni Kisha.

"Waah! Thank you po talaga ate!" tuwang-tuwa ang mga bata at halata ito sa mga ngiting nakapinta sa kabila ng madungis na mukha ng mga ito.

Ang gaan sa pakiramdam niya na nakatulong siya sa ibang tao. Mabait naman talaga si Kisha, hindi madamot pero may ugaling narcissist nga lang talaga.

Unfamiliar Feeling Called, Love?Where stories live. Discover now