KAPITEL 8 TEIL 5

429 13 3
                                    

~~~~~~~

"She said, I quote, "You're with a girl!! Oh my gosh! YOU'RE WITH A GIRL!!! OH MY!! Is it a date??? What are you guys doing? Oh my goossh!!! I MUST MEET HER!!! Oh Shayne!! Finally!! And here I was thinking that you have gone gay, by the gods! Oh I'm so happy for you!!! I must tell Mom and Dad! Ohh! You must bring her!! No noes of an answer! We must meet her!! Come home as fast as you can, but enjoy your date!" There... I said it..." - Shayne

Wow, ang galing niyang magmimic ah! Ay, wait! Hindi yun yung dapat kong reaction... Lemme fix that...

WHHHHAAAAAAT?!?!?! Anong trip ng ate niya?!?!?! Adik din ba yung ate niya?!?! Puteeek....And what was that about Shayne being gay, I mean seriously? Shayne is gay? Di Immortales!!

"So now, you have to come with me, so I can introduce you to my family as my girlfriend..." - Shayne

Teka.... Di pa ako nakaka-get over...

At bago pa ako makapag react... Hinila na niya ako sa kung saan man

"Whaaa----? San tayo pupunta?"

"Dun" - Shayne

At bago ko pa marealize kung nasaan kami... Isang Malaki at nakakasilaw na pink signage at bago ako mahila ni Shayne sa loob ng nakakatakot na lugar na yun... Nabasa ko ang nakasulat sa signage:

PRINCESS MILLIANNA'S PALACE OF FASHION

"Halika na!!! Maglakad ka nga ng sarili mo!! Nauubusan tayo ng oras..." - Shayne

"Wah, pero.... pero.... teka... uhhhh..."

"ANO BA? Bilisan mo , tara na, wag ka nang maarte" - Shayne

"Uhhh.... eehhh... K-kasi, uh, bakit dito?"

"Basta!" - Shayne

"Eh, hindi ba pwedeng ito nalang suot ko?"

"Hindi, tingnan mo nga yan suot mo, kahiya-hiya! Hindi kita pwedeng ipakilala sa parents ko nang ganyan ang itsura mo! Naturingan kang anak ng may-ari ng school natin tapos ganyan ka manamit! Mahiya ka nga!!" - Shayne

Aba, kung makalait 'to oh, edi siya na may fashion sense.... =__=

"Tss, yabang.."

Tinawag niya yung isa sa mga staff ng shop.

"Gusto kong pagandahin niyo siya, ayusan niyo, bihisan niya, paliguan niyo kung kailangan, gusto siyang makilala ni ate." - Shayne

"Yessir!" - staff

Aba, grabe makapanlait tong lalaking to ah, nakakaasar na, ano akala niya sa akin mabaho? Tss...

*Amoy ng t-shirt, buhok, at sleeves*

Hindi naman ah, tss, kaasar talaga.... Tsaka bakit niya ba sinabi na gusto ako makilala ng ate niya, at itong mga tao naman dito, akala mo boss nila si Shayne e... Sino bang may-ari ng store na to?

"Halika na miss, doon tayo sa salon part ng palace, aayusan na po namin kayo," - babaing hairstylist ata

"Ha, ah.... Teka Shayne, wala ba akong choice?"

"Wala, dali na... Para matapos na to at maipakilala na kita kay ate..." - Shayne

=__=

Tss, control freak... Haaaay, bakit ba nagging ganito yung paglibre niya sa akin? Nakakaasar...

"Wala akong dalang pera Shayne, baka di ko ma-afford..."

"Tss, di ka naman magbabayad e! Dali na nga, nakakairita na e... ang arte mo!" - Shayne

The Missing Butterfly (Editing)Where stories live. Discover now