KAPITEL 8 TEIL 2

611 18 4
                                    

~~~~~~~

"Kuya Prince... Kamusta ka na? Ilang buwan na lang, death anniversary mo na..."

Hindi ko mapigilang umiyak, magiisang taon ko nang hindi nabibisita ang puntod ni Kuya Prince. Hindi kasi ako makakuha ng sapat na lakas ng loob... Ngayon lang ulit...

"Miss na miss na kita Kuya... Hanggang ngayon hindi ko parin mapigilang sisihin ang sarili ko sa nangyari sa'yo... Hanggang ngayon, hindi ko parin mapatawad yung mga tarantadong pumatay sa'yo..."

Mas lalo akong naluha dahil naalala ko yung mga naisip ko nung mga panahong yun. Napaupo ako sa sobrang sama ng loob. Ang sakit isipin na naisip ko yung mga bagay na yon.

"Kuya... Ginusto kong patayin sila... Kuya ... Muntikan na akong mapariwara, kung hindi ko lang kasama si Kuya King, siguro, napatay ko na yung mga walang hiyang yun..."

Sinuntok-suntok ko yung damuhan sa tabi ng lapida ni Kuya... Banas na banas ako.... Kung hindi lang ako nag-quit sa pagiging gangster, malamang nagwala na ako.

"Kuya ang sama ng loob ko. Ang sama ng loob ko sa sarili ko, napagtanto kong isa akong malaking tanga... Isang idiyotang wala nang inisip kundi pagaanin ang loob niya... Ni hindi man nga lang sumagi sa utak ko kung ano mararamdaman ng parents natin. Hindi ko inisip yung sasabihin ng mga tao tungkol sa atin..."

Ito ang unang pagkakataon na inamin ko sa sarili ko yung mga pumasok sa isip ko nung mga panahong nagluluksa pa kami dahil sa pagkamatay ni Kuya. Habang sinasabi ko lahat ng 'to, mas lalo kong narerealize na ang sama sama ko pala talaga at sarili ko lang iniisip ko. Sigurado akong hindi lang parents ko ang na-apektuhan sa mga pinag-gagagawa ko. Kaya naman, gusto kong magbago. But thats easier said than done. Sana magawa ko lahat ng yun...

"Kuya Prince, tulungan mo naman ako oh... Please... Kailangan ko ang suporta mo, hindi ko alam kung kakayanin kong magbago... Alam ko wala ka dito physically para suportahan ako, pero sana, bigyan mo man lang ako ng sign para malaman kong nandito ka lang sa tabi ko. Thank you..."

Gagawin ko ang lahat ng kaya ko para sa bago kong resolve... i-ta-try kong magbago kahit sobrang hirap... Pinagpatuloy ko lang ang pag-iyak ko for who knows how long, basta inilabas ko lang lahat ng sama ng loob ko na hindi ko mailabas pag maraaming tao sa paligid ko...

"Oi!"

Hinanap ko kung sino yung nagsalita... pero wala naman akong nakita. Imagination ko lang siguro.

"Oi!"

Saan kaya nanggagaling yun? Wala namang ibang tao dito....

"WAAAAAAAH!!"

May umihip sa likod ng tenga ko!! Langya! Sino yun!?!?!?!

"Put----! Ikaw?"

"Ay hindi, siya, siya..." - Shayne

Putek... Siya lang pala....

"Ano ginagawa mo dito?"

Tinuro niya yung puntod a few meters away from Kuya Prince' grave

"Kanina ka pa?"

"Oo... Right after matapos yung huling shift..."

Ahhh, so sabay lang kaming dumating.... WAIT? Sabay kaming dumating? So nakita niya akong umiiyak? Sheeeeet...

"Umiiyak ka?" - Shayne

=__=+

"Ay hindi..."

"Weh? Umiiyak ka eh...." - Shayne

=___=++

Is he trying to comfort me o insensitive lang talaga siya? Tss

"Sino iniiyakan mo?" - Shayne

"Hmmm... 'Prince Myer Madrigal. March 30, 20XX, Your memory will forever live in our hearts'..... Huh..." - Shayne

Pati ba naman yung message sa baba binasa?

"Bakit parang familliar yung pangalan niya?" - Shayne

Kasi gangster siya, tongeks!

"Malay..."

Tumingin siya sa akin na para bang sinasabi niyang nagsisinungaling ako... Hayy, bahala ka diyan...

"Prince..... Hmmm... Prince..... Saan ko ba narinig yun?" - Shayne

Sige mag-isip ka lang....

Tumayo na ako tapos dahan-dahang naglakad papalayo dun sa lalaking mumble ng mumble ng 'Prince'... Aish...

"Teka!!" - Shayne

Sinundan niya ako... Bahala siya diyan!

"Prince... Myer... Blood Prince?? BLOODY PRINCE!!! BLOODY TRINITY!!!" - Shayne

Harudyusko, nagulat naman ako dun... Haha, kilala niya pala kami.... Sabagay, sikat na sikat kami nung gangsters pa kami...

"Si Bloody Prince yun diba??! At tinawag mo siyang kuya!! Kapatid mo sila Bloody Prince at Bloody King?!?! Ikaw yung grumaduate nung pinatay si Bloody Prince?!?!" - Shayne

=___=+++

Kailangan talagang sumigaw at sabihin lahat ng nangyari nung araw na yun?

"Ayy, hindi.."

"So kapatid mo nga sila?!?!" - Shayne

"Oo.."

"Talaga?" - Shanye

=____=++++

"Oo nga!!"

"Kung kapatid mo sila, ibig sabihin kilala mo kung sino yung huling member ng Bloody Trinity! Si Bloody Butterfly!" - Shayne

"Malamang.."

"Talaga?"

=____=++++++

Ang kulit...

"Oo nga..."

"O? Sino?" - Shayne

"Ulol! Tanga-tanga ka ba?!?!? Kung sila Kuya lang pwede kong sabihin sayo kasi kilala na rin naman sila! Pero si Bloody Butterfly? Gung-gung!!!! Hindi yung magtatago ng mukha kung gusto niyang makilala niyo siya!"

Grabe... Ang awkward ng ginagawa ko... Talking about myself in third person point of view... Ano ba naman kasi tong lalaking to...

"Sabihin mo na kasi...." - Shayne

"Ayoko nga..."

*kuruu kuruu* <--Kulo ng tiyan... XD

"Gutom ka? - Shayne

"Ayy hindi.."

"Tara, kain tayo..." - Shayne

"Treat mo?"

"Oo! Tara! Gutom na rin ako e.." - Shayne

"Yes!"

Tara!

~~~~~~~

The Missing Butterfly (Editing)Where stories live. Discover now