KAPITEL 8 TEIL 7

378 10 2
                                    

~~~~~~~

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at sumalubong sa amin ang isang maluwag na kwarto na tiles palang alam mo nang sosyal ang may-ari. Nakaupo ang pamilya ni Shayne sa kabilang side ng room, nagkukwentuhan habang umiinom ng tsaa. Tumayo ang isa sa mga babae dun at lumapit sa amin.

"Shayne!! Buti nandito na kayo!" - kapatid ata ni Shayne

"Ate, wala naman kaming choice" - Shayne

Kapatid niya nga!!! Ang ganda ng kapatid niya, shet, nakakatibo... Wahahahaha...

Hindi siya pinansin ng ate niya at tumingin sa akin.

"Is this her? Oh my, you look lovely, I'm Millianna, ako yung may ari ng shop na pinuntahan niyo kanina, I recieved a call from the manager there, and my, she is right, you are lovely..." - Millianna

NAKS!! Buti pa tong kapatid ni Shayne! Pinuri ako! hindi katulad nung gung gung niyang kapatid! Grr, umiinit na naman dugo ko... Wooh! Breathe in~ breathe out~

"Hehe, thank you po, ako po si Aurora Lily Madrigal, nice to meet you po... ^ ___ ^"

"Halika, pumasok ka, we're drinking tea, white tea to be excact, okay lang ba sayo ang Silver needle tea?" - Milliana

Shet, ano yung Silver needle na yan? Wala akong alam diyan, alam ko lang iced tea red tea, at green tea, akalain mong may white tea pala? wag niyo sabihing may black tea rin? Eh blue tea kaya? >:))

Shet, ano sasabihin ko? wala akong alam diyan...

*tingin kay Shayne*

Hala, hindi nakatingin patay... Ano sasabihin ko??? sheeet... bahala na nga!!!

"Haha, masarap po ba? di pa po kasi ako nakakatikim nun e..."

"Oo, masarap siya, haha, I like you, nakakatuwa ka, no wonder linigawan ka ng kapatid ko... Hahaha halika, dun ka umupo sa tabi ko... ^__^" - Millianna

Hinawakan niya yung kamay ko at pumunta kami dun sa table. Pinakilala niya ako sa parents nila at sa isa pa nilang kapatid na babae, si Mira na kakambal niya.

"Lily, bakit dito ka umupo sa tabi ni ate Millie?" - Shayne

"Aba'y malay ko, e sa dito ako pinaupo e... Bakit, ano ba meron?"

"Hmm... Wala naman, basta magiingat ka ah, buti na lang di ka kay ate Mira tumabi..." - Shayne

"Huh?"

"Wala" - Shayne

Ano kayang meron? Ano naman kung kung tumabi ako kay Ate Millie? Mukha naman siyang mabait, binati niya pa nga kami e... Tsaka ano meron kay Ate Mira? Anong problema neto dun? May galit-galitan chuchu ba??

Linagyan na ni Ate Millie yung cup na linagay niya sa harap namin ni Shayne, at sabay kaming nag thank you after...

"Masarap yan Aurora... Pang bestseller!!" - Millianna

Tinikman ko na yung Silver needle ata tawag dun... Hmm... Tama siya, pangbestseller nga!!

"Hmmm... Sarap! Ay, e-este masarap po ^__^"

"Haha, you don't need to be so formal hija... Hmm, now that I think about it, eto ang first time na may ipinakilala sa aming girlfriend si Shayne, so I'm guessing na mahal ka talaga nya, you're practically a part of our family now..." - mama ni Shayne

Wow! Ang bait naman ng nanay ni Shayne, pero, imposible talagang mahal ako ni Shayne, e kanina nga lang bago kami makarating dito, ang dami na naming pinagawayan e, pano ako mamahalin niyan? E mismong presensya ko nga ata kinamumuhian niyan... Ano to, isang nobela kung saan nagkakainlaban ang mga bidang parang aso't pusa? Hindi naman ata....

"Haha, salamat po sa pagtanggap sa akin kahit ngayon pa lang tayo nagkakilala..."

Dahan-dahang lumipas ang oras at nakikipagkwentuhan lang ako kay Tita, yes Tita na tawag ko sa kanya, at kay Ate Millie, ang saya nga e... Bago ako dumating dito, iniisip ko na siguro mahirap makisama sa kanila, pero hindi naman masyado, siguro nasanay lang akong makihalubilo sa mga mayayaman; mga normal na taong hindi baduy ang "class"

Pero may napapansin ako, bakit parang kanina pa may nakatingin sa akin?? Iihh... Creepy...

"Ah, nga pala, Shayne, nakahanap ka na ba ng susuotin mo para sa ball?" - Tita

"Ha? Uhm, hindi, hindi naman ako pupunta dun Mom, siguradong akong susugurin ako ng mga babae para halikan sila, ayoko nga, kadiri!" - Shayne

Ang yabang talaga nito! Akala mo kung sinong gwapo, well may itsura siya pero di gwapo, more on hot... Yummy... PWE! Ano ba tong sinasabi ko? Yak!

"What do you mean Shayne? Anong hindi ka pupunta sa ball? Paano si Aurora?" - Ate Millie

"Pupunta ka ba sa ball hija?" - Tita

"Ah opo,"

"You heard that? Tapos hahayaan mo lang siya magisa dun?" - Ate Millie

"Why not? Kaya niya na naman ang sarili niya? She's a big girl, she can take cake of herself... *whisper* I don't need to go with her, hindi niya ako kailangan... Amazona yan e" - Shayne

Ay grabe, yun ba ang tingin niya sa akin? Hindi ko alam kung bakit, pero bakit parang nasasaktan ako? Bakit parang nasaktan ako nung narinig ko yun? Di ba nga dapat matuwa pa ako?

"What do you mean by that? Iiwan mo girlfriend mo sa ere? Anong klaseng boyfriend ka?!?" - Ate Millie

Napansin kong napayuko dun si Shayne, at narinig ko na lang na binulong niya sa hangin ang...

"Ni hindi ko nga siya girlfriend e, kaya wag kayong umasang magpapakaboyfriend ako sa amazonang yan" - Shayne

OUCH! Alam ko hindi talaga kami at hindi ako dapat naaapektuhan, pero, hindi ko alam, hindi ko alam kung bakit nanliligid na ang mga luha ko ngayon... Hindi ko alam kung bakit parang ang sakit nung mga sinabi niya.... Kaya naman yumuko na lang ako at pumikt-pikit para tumigil ang mga luha ko...

I can't believe I'm still so weak, akala ko mas matigas pa ako sa bakal, na hindi ako agad masasaktan pero sa ilang salitang sinabi niya, heto ako at naluluha na....

Tinatagan ko ang loob ko at muling itinaas ang ulo ko.

"Haha, okay lang po, sanay na naman po ako kay Shayne, ganyan lang po talaga siya..."

Tapos tinungga ko na yung natitirang tea sa cup ko...

"Shayne, gusto ko nang umuwi, pwede mo ba akong ihatid?"

"Uhh sure," - Shayne

Tapos tumayo na siya at hinila yung upuan ko.

"Thank you po sa pag-invite sa akin dito, I had a great time. Salamat po ulit."

"Pero di ka pa nagdidinner hija..." - Tita

"Bigla pong sumama pakiramdam ko ee, sa bahay na lang po ako kakain."

"Ah sure, come back again anytime, hija..." - Tita

"Thank you po, until next time..."

Tapos naglakad na ako papuntang kotse ni Shayne. Sumakay ako sa kotse niyang nakatulala lang at hindi nagsasalita o gumagalaw. Natatakot kasi ako na pag gumalaw ako, aagos ng aagos ang luha ko. Kaya naman hinayaan ko nalang tumulo ang mga iyon nang makahiga na ako sa kama ko...

~~~~~~~

The Missing Butterfly (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon