KAPITEL 9 TEIL 2

498 13 1
                                    

~~~~~~~

"Ouch, Sweetheart, how can you say that... Para mo na ring sinabing wala kang boyfriend... Ang sakit..."

WTH??? SIYAA??? PUTRAG!!! ANONG GINAGAWA NIYAN DITO?!?!?

"Oo nga naman anak, bakit mo naman idinedeny na kayo ni Shayne? Kawawa naman itong batang to, haha, okay lang naman sa amin kung may boyfriend ka na, di mo kailangan mahiya, isa pa, mabuting bata tong si Shayne, boto kami ng Mommy mo sa kanya."

"Ha? Eh Dad, hindi ko naman po boyfriend yang galunggong na yan, mukha ba akong makikipagkaibigan man lang diyan sa lalaking yan?"

Nanlaki yung mata ni Shayne at tinitigan ako ng masama.

"Haha, pasaway ka, Sweetheart. Tita, Tito, kakausapin ko lang po sandali girlfriend ko..."

Tapos hinila niya ako papunta sa kung saan man.

"Teka!! Saan mo ako dadalhin??"

"Tch manahimik ka nga"

Pumasok kami sa dining room at pinalabas niya yung mga tao dun.

"Baka nakakalimutan mong ipinakilala kita sa pamilya ko as my girlfriend..."

"Oo nga, pumayag ako na magpanggap na girlfriend mo sa harap ng pamilya mo, pero bakit pati dito sa bahay ko girlfriend mo parin ako?"

"Baka nakakalimutan mong close si Mommy at si Tita, mabubuking tayo! Hindi lang ako, pati ikaw malalagot! Nako, kung hindi dahil sayo, wala sana akong dahilan para pumunta dun sa ball na yun, bwisit!"

"Aba! Kung mahuli man tayo, problema mo yun! Pwede ko namang sabihin na pinilit mo lang akong magpanggap kasi nagigipit ka, at dahil gangster ka, natakot ako kasi baka patayin mo ako no! Sa tinging mo, sino kakampihan nila?"

Kaasar to, problema niya, idadamay pa ako! Bwisit! Kahigh blood!! >__<

"Ayos ka ah! Subukan mo lang na magpahuli! At baka mapatay nga kita!"

O.O

Hindi ko naman akalain na kaya niyang sabihin yan... Akalain niyo yun, nakakatakot din pala tong galunggong na to, kung hindi lang ako naiinis, siguro tumakbo na ako.

"Edi patayin mo, sino ba sa atin ang di makakapasok ng langit?"

"Aba? Binibiwisit mo talaga ako babae ka!"

Wahaha, ang sama ko...

"O sige na, tutulungan na kita, pero yung kapalit ha!!"

"Oo, anything you want."

Tapos lumabas na kami.

Tito, Tita, aalis na po kami, baka po malate kami."

"Ah, o sige hijo, magiingat kayo ah, ikaw na bahala sa anak ko."

"Opo, Tito, makakaasa po kayo"

"Sige, Mom, Dad, aalis na kami"

"Let's go?"

Ilinahad niya yung kamay niya at ilinagay ko roon ang akin, at magkahawak kamay kaming lumabas ng bahay papuntang kotse niya. Nung nakasakay na kami pareho ay pinaharurot niya na ang sasakyan papunta sa school.

"Hanggang sa school ba magpapanggap parin tayo?"

"Ha? Tinatanong pa ba yan? Siyempre, hindi pwedeng malaman ng mga tao to, kahit ng DSG at ni Nica, baka may makarating pa sa parents natin, tayo lang dapat may alam nito, kundi... lagot na." - Shayne

"Hmm, ayaw ko lang sanang mabuhay araw-araw nang merong mga taong masama ang tingin sa akin, ayoko rin mapagtripan, lalo na ng mga babae, ang dami mo pa man ding fan girl,"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 05, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Missing Butterfly (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon