Ikaw

4 2 0
                                    

Ikaw
by AJL

Eh kasi, di mo alam kung gaano mo kami napapasaya

Dapat nga, alam mo na iyon sa umpisa pa lang

Grabe kung pasayahin mo kami, kahit na alam kong may dinadala ka rin

At lagi kong sasabihin sayo kung gaano ka kahalaga sakin

Ramdam kong minsan, nalulungkot ka

Di nga lang halata, kasi nakangiti ka pa rin

Oras na siguro para naman malaman mo

Dito lang kami, ako, handang makinig sayo

Ung timezone, medyo badtrip lang kasi 5 oras ang pagitan

Ang mahalaga, may oras para magkausap kahit saglit lang

Regalo ka, hindi lang sakin, kundi sa lahat ng kaibigan mo

Tunay kang mabuti, lagi kang andyan, sa tuwing nalulungkot ako

Eh sana, napangiti ka ng simpleng tula ko ...

Jan ka naman kasi pagpapalain, sa dami ng taong napapasaya mo

Ready na ako sabihin kung gaano kami nagpapasalamat sayo

Tulad ng kung paano ako napapasaya ng pangalang nakatago sa tulang ito.

My Heart SaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon