Simpleng Tula.

407 34 3
                                    

Simpleng Tula

Ni: CorrectionFluid

Di ko talaga alam kung bakit

Pero parang ang sakit - sakit.

Hay.

Buhay.

Simpleng aray.

Oo, nakapagtataka lang din

Pero di ko rin naman mamasamain.

Kung may nagawa man ko

Sana malaman mo

Na hindi ko rin sadya

Kung sakaling nasaktan kita.

Sana

Sa simpleng tula

Malaman mo ..

Na mahal kita

At nandito lang ako ..

Sa bawat lilipas na segundo

Sa bawat dadaang minuto.

Kundi  man sa lahat ng oras

Na sadyang mabilis tumakbo.

Tulad nga sa kanta

Ng isang banda

Ako'y laging sawi

At lagi rin namang bigo.

Pero kung sakaling nasaktan nga kita

Patawad, iyan ang munting sambit

Ng puso kong nananalangin

At taimtim na umaawit.

My Heart SaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon