Ang Pangarap.

128 7 1
                                    

Ang Pangarap

Ni: CorrectionFluid

Lakad.

Nakita mo ang iyong sariling naghahagilap ng daan

Tumutugpa ang mga paa mo sa kawalan

May hawak kang puting pumpon ng rosas na hindi mo alam kung para saan.

Lingon.

Nakasuot ka pala ng puting bestida, maayos at naka - postura

Tuwa sa kanilang mga mata'y makikita

May belo ka sa iyong ulo na tumatakip sa mukha mo ng marahan.

Lapit.

Nakasuot siya ng mamahalin at magarang kasuotan

Tunay kang nagulat at nagulumihanan

May lalaking nakangiti na nag - aabang sa iyong harapan.

Lukso.

Nadama mo ang pagtibok ng puso sa iyong katawan

Tiyak mo na ang iyong nararamdaman

May galak sa puso mo sa paglinaw ng iyong mga katanungan.

Lito.

Naramdaman mong muli ang kaguluhan sa iyong isipan

Tawa ang naging sagot mo sa sampal ng katotohanan

May pasa kang natamo tanda ng pagbagsak mo sa higaan.

My Heart SaysWhere stories live. Discover now