Friends Turn in to Strangers

48 2 0
                                    

Plagiarism is a CRIME
All Rights Reserved.
No part of this book may be reproduced or transmitted in any form without permission from the author.

"Friends Turn in to Strangers"
By: WarriorMulan16

Dedicated to those person who fell in love with their friend or best friend

Ikaw yong taong sandalan ko kapag ako may problema

Iniiyakan ko kapag diko na kaya ang sakit na dinadala

Ikaw yong nagpapayo sa akin sa t'wina

Ikaw yong taong kagagawin ang lahat makita lang akong masaya.

Kaibigan ikaw yong taong nagbibigay sakin ng halaga at importansya.

***
Ikaw yong taong lagi kong kabiruan 

Yong kabaliwan mong lagi kong sinasakyan

Mga biro at pambabara mo sabay nating tinatawan

Hindi lumilipas ang maghapon na hindi ako pinagtritripan.

Dahil tuwang - tuwa kapag ako' y naaasar.

***
Napakasarap na  magkaroon ng kaibigan,

Kaibigan na hindi lang sa tuwa ako' y sasaluhan

Kung hindi pati sa oras na ako' y nahihirapan

Kaibigan isang salita binigyan mo ng maraming kahulugan.

Kaibigan salita na nagpadama ng samo' t saring pakiramdam.

Isang salita nagbigay sakin ng iba' t - ibang dahilan:

***
Dahilan na ngumiti at tumawa, dahilan maging masaya.

Pero kaakibat rin nito' y dahilan na maging malungkot sa pag- aalala.

Dahilan manibugho 'pag iba ang iyong kasama.

Dahilan matakot dahil ayokong mawala ka.

Yong araw na kasama ka, iyon araw na naramdaman kong 'di ako nag- iisa .

Yong araw na sabay tayong papasok sa eskwela.

Yong araw na lagi tayong naglalakwatsa

Bawat alaala ng ating pagsasama ay 'di mabubura.

***

Kapatid ang turing mo sa akin

Pero nagising ako isang araw na ayaw ko na itong tanggapin

Hinihiling kong baguhin mo ang iyong pagtingin

***
Hindi ko alam kong bakit nagkaganito

Naramdaman ko lang na bumilis ang tibok ng puso ko

Para bang nakikiagkarera sa sampung kabayo

Hindi naman noon ito ganito, kahit nariyan ka pa sa tabi ko.

Pero ngayon, malayo ka palang nagwawala na ito.

***
Sanay na akong iyong inaakbayan

Hindi narin bago yong paghawak mo sa aking kamay

Nasanay na ako dahil matagal na tayong magkaibigan

Pero sa 'di maipaliwanag na dahilan

Tila ba lahat ng yong galaw ay may kahulugan

When I Fell In LoveWhere stories live. Discover now