Isang Maling Akala

23 1 0
                                    

Isang Maling Akala
by warriorMulan16

Akala ko ikaw na ...
'yong taong magpapasaya sa'kin sa t'wina.
Akala ko ikaw na...
'yong taong sa aki'y nakatadhana;
'yong taong ipinadala ni Bathala.
'Yong taong makakasama ko hanggang sa pagtanda.
Akala ko'y ikaw na nga...
'yong taong magpapalis ng aking mga luha;
sa mga panahong ako'y nagdurusa't nangungulila.

Akala ko'y ikaw na, ang aking kasangga
sa gitna ng daluyong ng problema.
Sa lungkot at saya'y tayo'y magkasama.
Akala ko'y ikaw na...
'yong taong itituring akong reyna;
na sa aki'y proprotekta.

Ngunit ngayo'y nasaan ka na?
Unti-unti ka ng nanlalamig sa akin, aking sinta.
Hindi na ba ako ang 'yong reyna?
Hindi ka na ba sa akin masaya?

Akala ko'y ikaw 'yong magpapalis ng aking mga luha.
Subalit ikaw pala ang magiging dahilan ng
mga hikbi kong walang hupa.
Akala ko, ikaw ang magbibigay saya.
Ngunit bakit pagsakit at pagdudurusa ang aking nadarama?
Akala ko'y tayo'y magkasangga;
pero bakit iniwan mo ako sa gitna ng ating pakikipagdigma?

Akala ko'y tayo hanggang sa dulo.
Akala ko'y pag-ibig mo'y di magbabago.
Pero mukhang nagkamali ako.
Sapagkat sa puntong ito
ay magwawakas na ang ating kwento.

Ang kwentong sinimulan na masaya
ngayo'y narating na ang huling kabanata.
Na mag-iiwan sa akin ng lungkot at saya.
Sapagkat relasyon nati'y wala na 'atang pag-asa.
Sapagkat iba na ang 'yong sinisinta.

Marahil hindi ikaw ang nakatadhana para sa akin.
Marahil hindi talaga ikaw 'yong sagot sa aking mga panalangin.
Marahil dumaan ka lang upang ako'y patatagin.
Upang ang hamon ng buhay ay handa ko ng harapin.

Magpapatuloy ako
baon ang mga alaalang ating binuo.
Mga bagay natutunan ko
sa relasyon nating gumuho.

Magpapatuloy ako...
Hanggang sa magtapuan ko
ang taong sa aki'y bubuo.
'Yong taong iibigin ako ng totoo.

Thank you for reading this poem 😊
Follow for more...

When I Fell In LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora