Dating Tagpuan

22 1 0
                                    

Dating Tagpuan
by warriorMulan16


Ikaw ang babaeng ihaharap ko sa altar.
Ang babaeng aalayan ng aking pagmamahal.
Ituturing kang reyna dito sa aking kaharian.
Ika'y aalagaan at pagsisilbihan.

Ikaw ang nais kong makasama habang buhay.
Sa hirap at saya'y tayo'y magkaramay.
Pangako ko'y 'di ka iiwan
at 'di paluluhain ni minsan.

Subukin man tayo ng mga problema;
basta't ikaw ang aking kasama
mawawala ang aking mga pangamba.
Sapagkat tayo'y magkasangga.
Ako ang 'yong magiging sandata;
kalasag mo sa ano mang gira.
Subalit nasaan ka? Nasaan ka na aking sinta?

Unti-unting nanikip ang aking dibdib;
sapagkat isa na lamang itong magandang panginip.
Dahil akin ng nabatid
na iba na ang iyong iinibig.

Hindi na ako ang iyong nais makasama.
Nagbago ng ang 'yong nadarama.
Tuluyan mo ng nilimot ang ating mga alaala.
Isa nalang akong estranghero na 'di mo na nanaising makita.

Pero patuloy parin akong umaasa
na ika'y babalik pa.
Upang ako'y muling ibigin;
at ituloy ang mga pangarap natin.

Nais kong malaman mo
na ako'y laging naririto
naghihintay ng pagbabalik mo.
Sapagkat ikaw lang ang babaeng iibigin ko.

Maghihintay ako ...
'Yan ang pangako ko.
Abutin man ito ng maraming pasko
o ng kung ilang siglo.

Ngunit kung buo na ang 'yong pasya
na iwan akong mag-isa.
Nais kong ipabatid sayo, sinta.
Na 'di ko nanaising muling umibig pa.
Sapagkat ikaw lang ang aking ligaya.

Kung sakaling magbago ang 'yong pananaw.
Naisip mong ako parin ang 'yong mahal.
Balikan mo ang ating nakaraan
at ako'y matiyagang naghihintay
sa dati nating tagpuan.

Thank you for reading this poem 😊
Follow for more...

When I Fell In Loveحيث تعيش القصص. اكتشف الآن