Pangako

27 2 0
                                    


Pangako
Written by: warriorMulan16

Mahal, ito ang pangakong aking bibitawan...

Sa piling ko'y ika'y magiging Iuhaan.

Hindi ko hahayang

mga ngiti mo ay sisilay.

Ako ang magiging dahilan kung bakit

buhay mo'y mababalot ng kalungkutan.

Hindi ko na nanaising

buong buhay kitang makapiling.

Araw-araw kong hihilinging

buhay ko'y iyong lisanin.

'Wag mo sanang tangkain

na ako'y iyong mahalin.

Nagsusumamo ako sayo giliw,

paki-usap ko sanay dinggin.

Ako'y talikuran at iyo ng limutin.

Mahal, 'wag mo sanang isiping

buong buhay kitang mamahalin

Ito'y ikintal sayong puso't damdamin.

Does it hurts?
Now, read backward to understand the hidden message wanted to convey by this poem.

REVERSE POETRY

When I Fell In LoveWhere stories live. Discover now