Chapter Fourty - Two

3.5K 74 42
                                    

The Truth

************

ARA's POV

"Baby are you okay?"

Napalingon ako kay Thomas ng bigla siyang magsalita. It's been two weeks since they won the championship game against NU and as promised heto kami ngayon papunta sa isang restaurant sa eastwood para kausapin si Papa.

"Yes baby, I'm okay" sabi ko sabay ngiti bigla naman niyang hinawakan yung kamay ko at sabay pinisil.

"Dont worry baby, andito lang ako sa tabi I wont leave you," sabi niya sabay halik sa kamay ko. "Baby sa kalsada lang ang tingin" sabi ko sabay tawa tumawa naman siya sabay kindat sakin ay naku oo mapapaaga ka talaga pag ganito kasweet ang boyfiend mo.

"Hmm you're blushing baby.."

Pang aasar ng magaling kong boyfriend sakin "Tss oo na ano happy?" sabi ko sabay irap at tumawa naman ang loko "Of course whenever you do that I just cant help but smile" sabi niya sabay ngiti sakin. Please tama na. Di ko kinakaya.

Pagkatapos niyang tumawa eh isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa loob ng sasakyan niya dinig na dinig ko ang dagundong ng puso ko, naghahalong kaba galit at pagkasabik sa muli naming paghaharap ni papa.

***Flashback***

"Papa!!"

"Haha found you my princess!!" sabi ni papa sabay buhat sakin at habang umiikot kami.

"Papa are we still going to play hide and seek even though im already big and strong like you?" sabi ko sabay yakap kay papa lagi naming ginagawa to tuwing weekends pag walang pasok si papa sa office.

"Of course my princess" sabi ni papa sabah halik sa tip ng ilong ko "We will always do this, papa will never get tired of playing hide and seek with you" sabi ni papa sabay halik sa pisngi ko. At binaba ako sa damuhan.

"Yey! You're the best dad ever!" sabi ko sabay takbo "Hey!" sigaw ni papa "Catch me if you can papa!" sabi ko sabay takbo.

"Vicky my princess,"

"Yes papa?" tanong ko habang inaayos ni papa yung kumot ko "One day, you'll grow up and a lot of boys will be roaming around you" sabi ni papa habang nakaupo sa gilid ng kama ko.

"Po? di ko magets papa" sabi ko sabay tawa. Tumawa naman si papa "Wala what Im tryin to say is If only I can make the clock stop, I will so that you will not grow up" sabi ni papa sabay ngiti.

"And why is that papa?" sabi ko ngumiti naman si papa bago magsalita "Siyempre, gusto ni papa forever kang baby" sabi ni papa sabay ngiti at humalakhak.

"Korni mo papa promise" sabi ko sabay tawa.

"Yeah I know mana ka sakin remember that" sabi niya sabay tayo "Good night my princess" sabi niya sabay halik sa noo ko.

"Good night papa"

"Never get older" sabi niya sabay ngiti at labas ng kwarto.

***End of Flashback***

"Baby?"

Naapabalik ako sa realidad ng narinig ko magsalita si Thomas at ng lingunin ko siya yung expression sa mukha niya. Yung expression na nakikita ko pag nag-aalala siya ng sobra sakin. Nalaman ko kung bakit ganun ang hitsura niya ng mabaling ko ang tingin ko sa salamin sa kotse niya yung mata ko pulang pula kakaiyak.

"Are you okay baby?" sabi ni Thomas sabay hawak sa dalawang kamay ko, tumango naman ako "Are you sure that you still want to do this?" sabi niya sakin habang hawak parin niya ang dalawang kamay ko.

i'll Learn to Love AgainWhere stories live. Discover now