35 -

2.3K 78 35
                                    

"Huwag kang mag-alala Marco. Nakakasiguro ako na pag-akyat natin sa taas ng hagdan na iyan ay rooftop na." Ani Maristella nang mapansin niyang panay ang hugot ng malalim na hininga ni Marco. Naaawa siya dito. Pagod na pagod na ang lalaki. Yayakapin niya ba? May maitutulong ba 'yon? Basta sana huwag itong mawalan ng pagasa.

"Paanong nangyari 'yon? Parang pababa tayo kanina e,"

"Isipin mo na lang na isa itong malaking puzzle. Malaki ang templo. Panay patibong dito sa pagkakaalam ko."

"Maristella, kung makakaligtas tayo dito, dalhin kita sa Maynila, ipapakilala kita sa mga magulang ko. Ayaw kong makasal sa babaing hindi ko gusto. Ikaw na lang sana."

"Huh? Sinasabi mo?" Kunot-noong tanong ni Maristella. Nasa katinuan pa ba ang isip niya?

"Mamahalin kita. Makakasiguro ka sa bagay na 'yon, don't ask anything. Ang gusto ko lang ay ikaw, yung huwag mapalayo sa'yo. Akin ka na lang sana. Hindi ako mahirap mahalin, promise. Basta huwag lang matuloy ang kasal. Ibibigay ko sa'yo ang lahat. Papakasalan kita."

Hindi niya alam kung matutuwa o ano sa sinabi ni Marco. Pero may kung anong kirot siyang naramdaman sa kaalamang ikakasal na pala ito. Sa kabilang banda naman ay may naguudyok sa isip niya na sana nga mangyari ang lahat nang iyon. Yung sila ang ikakasal. Posible naman na ma-in-love tayo sa isang tao kahit sa maiksing panahon lang di ba? Ganun kahiwaga ang pag-ibig. Nangyayari sa hindi inaasahang oras o panahon at sa kung saan man kayo nakasadlak ngayon.

Nabanggit ni Marco na hindi raw ito mahirap mahalin. Si Maristella ang magpapatotoo nun. May nararamdaman na siya para dito. Paano niya ba hihilingin na sana makasama niya pa ito nang matagal kung sakaling matapos na ang lahat ng gulo. Malabo.

Mukhang babaunin na lang niya ang lahat ng alaala na minsan ay may nakilala siyang Marco. Na minsan ay nagningning ang kanyang mga mata at nakaramdam ng excitement dulot ng pag-ibig. Tama si Tiya, kapag dumating ang panahon na nagmahal siya, dun niya mararamdaman na parang isa siyang normal na tao. Dalagang umiibig, yeah!

Napansin niyang umupo sa sahig at sumandal sa pader si Marco. Nakaramdam na naman siya ng awa para dito. Kakaibang awa. Marahang tinitigan niya ang mukha ng lalaki na noo'y nakapikit ang mga mata.

Matangos ang ilong nito. Mahaba ang pilik mata. Ang kulay tan ng balat ay nakadagdag sa atraksyon at itsura nito. Matangkad ito na sa tingin niya ay nasa 5'11. Habang nakatingin siya kay Marco ay nakakaramdam siya ng malakas na pagtibok ng kanyang puso na wari mo'y parang isang tambol. Sa katahimikan na namamagitan sa kanila ay nababahala siyang baka naririnig ni Marco ang malakas na tibok ng kanyang puso. Hindi man siya sigurado sa kanyang nararamdaman kung pag-ibig na ba iyon, may isang bagay na nakakasiguro siya. Masaya siya na nakikita, nakakausap at nakakasama si Marco at susulitin niya ang pagkakataon.

"Don't tell me that you only doing this night is to staring at me?" Napapitlag si Maristella nang marinig na muling nagsalita si Marco. Sa lalim ng iniisip niya ay hindi niya napansing nakatingin na pala ito sa kanya. Linaw naman ng mata ng isang 'to.

"Paano ka nakakasiguro na gabi pa rin?" Ayun na lang ang kanyang nasabi.

"Maristella, kung mahal mo ako tititigan mo na lamang ba ako? Bakit hindi mo ako lapitan at halikan." Gatong pa ni Marco. Parang wala sa wisyo.

Napatingala siya. Umiwas ng tingin kahit alam niyang hindi masyadong mababanaag ni Marco ang itsura niya dahil madilim. Nakakasiguro siyang namumula ang magkabilaan niyang pisngi. Pilyo ang lalaking ito. Bagay na hindi niya dapat sakyan.

"Kapag nakatitig ba mahal agad? Hindi ba pwedeng humahanga muna?" Mayamaya'y sabi ni Maristella.

"Bakit ka naman humahanga sa akin?"

Sigaw Sa DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon