14 -

3.3K 70 10
                                    


------------------------

Ang sumunod namang nangyari ay pinaghahampas si Jhael ng may kanipisang kawayan ng ibang taong paniki.
Awang-awa siya dito. Alam ni Maricor na walang magagawa ang awa na iyon kaya pinilit niya ang sariling makatayo kahit dama parin niya ang panghihina ng katawan.

Nang makatayo ay agad din siyang natumba. Ibinalik niya ang atensyon kay Jhael. Nawindang na lang si Maricor nang makita ang papalapit na taong paniki sa direksyon ng lalaki. May hawak ang taong paniki na chainsaw at akma nang gagamitin para sa lalaki.

"Tama na!" malakas na sigaw niya. Parang hindi niya na kayang makita pa ang tagpong iyon kaya naisip na lamang niyang pumikit.

Ang tunog ng chainsaw ay parang pinaka masakit na tunog na narinig niya dahil kay Jhael ginagamit iyon.
Makalipas ang ilang minuto ay biglang tumahimik ang paligid. Katahimikang nagdulot ng kakaibang takot para sa kanya. Mayamaya'y naramdaman ni Maricor ang mabigat na bagay na binato sa kanyang dibdib.

Idinilat niya ang mga mata. Sa pagdilat niyon ay agad bumungad sa kanya ang pugot na ulo ni Jhael. Dilat ang mga mata nito.

"AHHHHHHHHHH!!" malakas na sigaw ni Maricor.

"JHAELLL!!" Pabalikwas na napabangon si Maricor. Habol hiningang iginala niya ang paningin sa paligid.

"Binabangungot ka, Maricor." sabi ni Laila. Napansin niyang nakasakay sila sa kotse. Kasama niya doon sina David, Bruno, Kimberly, Chollo, Alexandra at katabi niya si Laila.

Mabuti't panaginip lang..Parang totoo. Sa isip-isip niya.

"Ligtas na tayo.. Babalik na tayong Manila." ani Chollo. Tila naguguluhan siya sa mga nangyayari.

"Paanong --"

"Palabas na kami ng Sitio Ayunta nang makita ka naming walang malay na nakahiga sa may waiting shed. Laking pasalamat namin dahil buhay ka pa." saad ni David.

"Si Jhael?" Tanong niya. Nag-aalala siya para sa lalaki.

"Jhael? Di ba siya yung pamangkin ni lola sa mansyon? Magkasama ba kayo, Maricor?" tanong ni Alexandra.

"Oo! Kailangan ko siyang balikan!" sigaw ni Maricor. Natandaan niyang inilipad siya ni Jhael palayo sa mga taong paniki at iniwan sa gilid ng kalsada malipit sa may waiting shed.

"Baka may kung anong mangyaring masama sa kanya! Itigil niyo itong sasakyan!"

"Nahihibang ka na ba, Maricor? Alam mo kung gaano kapanganib sa lugar na iyon. Pwede bang kaligtasan mo muna ang isipin mo!" bulyaw sa kanya ni Chollo.

"Pero iniligtas ni Jhael ang buhay ko!"

"Ayun na nga eh, iniligtas niya! Anong gusto mong mangyari, ipawalang bahala mo na lang ang ginawa niya sayo? Kung babalik ka dun mamamatay ka. Sasayangin mo lang ang ginawang sakripisyo ni Jhael." ani Alexandra.

"Alam kong hindi siya pangkaraniwang tao lang.. Siguro naman kaya niya sarili niya.." ani Chollo.

"Paano mo nasabing hindi siya pangkaraniwang tao?" kunot-noong tanong niya kay Chollo. Alam niya ang totoong katauhan ni Jhael pero paano nalaman iyon ni Chollo?

"Iyon ang nararamdaman ko.."

Marahang tinitigan niya si Chollo maging ang mga kasamahan. Parang may mali. Parang may hindi magandang nangyayari. Nang magkasalubong ang mga mata nila ni Laila, nabasa niya sa tingin nito na parang iisa ang kutob nilang dalawa.

"Yung nakilala mo, Laila. Bakit hindi siya sumama sa atin sa Manila?" narinig niyang tanong ni David kay Laila.

"Meron pa daw kasi siyang dapat ayusin." ani Laila. Tumingin ito kay Maricor. "Si Ajhel, niligtas niya ako isang beses. Kakambal siya ni Jhael. Sayang at hindi ko siya naipapakilala sayo.." anito. Namangha siya sa narinig. May kakambal si Jhael?

"Sigurado ka?" pagtitiyak niya.

"Oo. Hindi nga rin ako makapaniwala noong una eh."

May kung anong lungkot siyang nararamdaman. Siguro dahil hindi man lang siya nakapag-paalam kay Jhael. Wala siyang kasiguraduhan kung magkikita pa ulit sila. Sa laki ng bansa, ang chansa ay parang zero point one percent lang.

Napabuntong-hininga siya. Sumandal at tumingin sa bintana. Umaga na, sky blue na ang kalangitan. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa dahil paalis na sila sa lugar kung saan nakatira ang mga taong paniki. Pabalik na sila sa Manila pero may kung anong takot parin siyang nararamdaman. Tatlo sa mga kaibigan niya ang namatay, may posibilidad kayang masundan sila sa ng mga taong paniki?

-----

SAMANTALA, duguan si Jhael nang maisip na balikan na si Maricor sa lugar kung saan niya ito iniwan. Tapos na siyang makipag-laban sa mga kalahi niyang taong paniki. Ang totoo'y umurong siya. Hindi niya kaya sapagkat masyado silang madami. Baka mamamatay siya kung pipilitin niyang lumaban.

Nang marating niya ang lugar na pinag-iwanan niya kay Maricor ay laking gulat niya nang hindi ito Makita. Aligagang nagpalinga-linga siya sa paligid. Tumakbo pa siya palayo.

Hindi niya ito makita.
Hindi niya mahagilap. Nakailang beses na siyang nagpabalik-balik, nagpapaikot-ikot. Alam niyang hindi naman ito magpapakalayo.
''Maricor!'' Ang kaba niya ngayon ay higit pa dun sa pakikipaglaban niya kanina.

''Maricorrr!'' Muling sigaw niya.

Isang bagay ang hindi inaasahan ni Jhael. Isang bagay na mukhang pagsisisihan niya habang buhay.
Mukhang huli na ang lahat! Sa kauna-unahang pagkakataon, unang beses sa tanang buhay niya, umiiyak siya at ramdam niya iyon. Sa maikling panahon, mukhang naging espasyal na ang babae para sa kanya. Parang awtomatikong napaluhod ang lalaki.

Agad na pumasok sa isipan niya na marahil ay kinuha ng mga kalahi niya si Maricor. Pagpipiyestahan ng mga ito ang katawan ng babae. Hindi niya mapapatawad ang sarili.

Napasabunot siya. Dapat pala ay hindi niya ito iniwan. Dapat pala ay hindi na niya binalikan ang mga taong paniki. Dapat pala ay tuluyan na silang tumakas. Puro dapat pala ang pumasok sa kanyang isipan.

"MARICORRRR!" Muli ay isang malakas na sigaw ang kanyang pinakawalan.

...........

Sigaw Sa DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon