12 -

3.2K 72 2
                                    


-------------------------

Agad na sinugod ng suntok ni Bruno si Chollo nang masaksihan ang ginawang pagtaga nito sa kamay ni Alexandra.

"Hayop ka! Bakit mo ginawa iyon?!" anito at pinagsusuntok ang kaibigan. Nagsuntukan ang dalawa hanggang sa masagi nila ang gasera. Nahulog ito mula sa upuang kahoy dahilan ng mabilis na pagkalat ng apoy sa kwartong iyon.

"Hindi mo ako kaya, Bruno! Isa kang hangal!" ani Chollo at buong lakas na binuhat si Bruno pataas sabay hinagis sa pader. Nanlaki ang mga mata ni Alexandra sa nakita.

"Paano mo nagawa 'yon? Anong klaseng nilalang ka?! Ikaw ba si Chollo?" Nanlalaking mga matang usal ni Alexandra na nakatayo lang malapit sa pintuan. Malakas na halakhak ang pinakawalan ni Chollo bago nagsalita.

"Ang totoo'y isa akong taong paniki, isang halimaw sa inyong paningin! Naaalala niyo ba ang mga kahindik-hindik na balita sa unibersidad natin?"

Sandali itong huminto na tila hinihintay ang reaction ng mga kaibigan. "Yung mga karumal-dumal na pagpatay sa ilang estudyante sa unibersidad natin ay ako ang may gawa! Mga babaing masyadong nahuhumaling sa akin, mga babaing lantarang magpakita ng motibo. Niyaya ko sila ng date, matapos ko silang maangkin ay pinapatay ko sila! Matapos kong tikman ang katawan nila ay ang lamang loob naman nila ang binabalingan ko, isa akong taong paniki na kumakain ng lamang loob ng tao! Nakakatawang isipin na ayon sa imbestigasyon ay lumalabas lang na sindikato ang may kagagawan ng lahat. Bagamat may ilang nagsasabing halimaw lang ang may kayang gumawa ng ganun, mas nanaig parin ang paniniwala ng nakakarami na sindikato lamang iyon na nangunguha ng lamang loob ng tao upang ibenta sa ngangailangan." mahabang lintaya ni Chollo.

Hindi makapaniwala ang dalawa sa mga narinig mula kay Chollo.

"Ibig sabihan pala talaga ay nagpresinta kang dito sa lugar na ito tayo magbakasyon at magdiwang ng pagtatapos natin sa kolehiyo upang ipakain kami sa mga kalahi mo? At ang worst pa ikaw pa yata ang kakain sa amin? Hayop ka! Napakasama mo!" bulyaw ni Alexandra at handa na sanang tumakbo palayo nang biglang magbago ng anyo si Chollo. Naging isa na itong taong paniki at mabilis na hinabol si Alexandra. Pagkahawak sa buhok ni Alexandra ay ibinalibag ito papasok sa loob ng kwartong iyon. Namilipit si Alexandra sa sakit. Tila naman napipi si Bruno sa natuklasang anyo ng kaibigang si Chollo.

Sa pagkakataong iyon ay humihina na ang apoy sa sahig. Sapagkat walang kagamitan sa kwartong iyon maliban sa isang upuang kahoy na ngayo'y tinutupok na ng apoy. Hindi na kumalat pa ang apoy dahil yari na sa bato ang lahat.

"Huwag kayong mag-alala.. Hindi ko kayo papatayin, bagkus ay ibibilang ko kayo sa lahi namin. Itutulad ko kayo kay David na ngayo'y isa na ring taong paniki. Naawa kasi ako sa kanya eh, gusto ko sanang patayin at kainin ang lamang loob kaso, naisip kong mas maganda kong gawin ko na lang ding taong paniki. Alam niyo bang isang kagat ko lang sa inyo ay matutulad na kayo sa akin? Makamandag ang laway ko. Ang galing no? Parang zombie lang.." saad ni Chollo. Pumangibabaw ang isang malakas na halakhak sa kwartong iyon. Mabilis itong lumapit kay Bruno at sinakal sa leeg.

''Panuorin mo, Alexandra. Sa kung paanong ilang minuto lang ay pwede nang maging halimaw si Bruno.'' Anas nito't muling humalakhak. Kasunod nun ay kinagat nito si Bruno.

Nanatili lang na nakaupo sa isang sulok si Alexandra. Mas naghahari ang kanyang takot kumpara sa kumikirot na kamay. Sa mga nasaksihan ay nagagawa niya pang mag-isip, tila humihiling ng isang milagro sa gagawing hakbang ni Chollo. Para sa kanya, mas gugustuhin pa yata niyang mamatay kaysa sa maging halimaw, ang maging taong paniki.

"Maghahasik tayo ng lagim pagbalik natin ng Maynila." Matapos sabihin ni chollo iyon ay namatay na ang liwanag na nagmumula sa apoy. Sa labas ng masyon ay naghahari parin ang kadilaman. Pabugso-bugso ang pagbuhos ng ulan. Minsang lalakas, hihina, mawawala at muli ding babalik.

Sigaw Sa DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon