Chapter Eight

1.8K 61 5
                                    

Hinampas ko ng malakas si Dylan tsaka ko siya tinalikuran! Walanghya sya! Narinig kong tumawa sya ng malakas kaya lumingon ako sakanya at tinignan sya ng masama.

"Ang panget mo! Peste ka, Sanchez!" Tumawa lang ulit siya kaya bumalik na ko sa classroom na nakabusangot ang mukha.

"Where did you go, Ms. Sunohara?" Tanong nung teacher, nag-pout ako nung tumingin ako kay Nadine, nag-kibit balikat lang sya at nangalumbaba na habang tinitignan ang cellphone. Aba't talagang..

"Sorry Miss. It's my first day, dysmenorrhea.." mahina kong sabi, nakita kong napailing si Nadine dahil sa excuse ko.

Nagulat 'yung professor kaya hinayaan niya kong bumalik sa upuan ko, bumalik naman ako at naramdaman kong nag-vibrate 'yung cellphone ko kaya kinuha ko na.

Nadine: Anong drama?

Hindi ko nireplyan yung text nya at tinignan lang syang lumingon sakin. Umirap ulit sya sakin at nakinig sa teacher. Ano bang problema nya? Inirapan ko nalang din sya kahit di na nya kita. Tsk.

**

Naisipan kong dumaan sa Music Room nung natapos na yung klase. Bigla narin namang nawala si Nadine, at wala naman akong magawa kaya dumaan nalang ako.

Ngumiti ako nung nakita kong walang tao, dahan-dahan akong lumapit sa gitara, inilapag ko yung bag ko sa ibabaw nung piano tsaka ako nagsimulang patugtugin yung gitara.

Lalo akong napamgiti nung narinig ko 'yung tunog.

"Lying here with you so close to me;"

Ngumiti ako tsaka ko pinagpatuloy yung pagkanta habang naggigitara.

"It's hard to fight these feelings when
It feels so hard to breathe. Caught up in this moment, caught up in your smile."

Iminulat ko 'yung mga mata ko nung may narinig akong naglalakad palapit sakin.

"I've never open up to anyone, so hard to hold back when I'm holding you in my arms." Natulala ako sa boses niya na kinakanta yung sumunod na linya habang nakangiti sakin.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya. Nag-kibit balikat sya at inagaw sakin yung gitara tsaka niya pinagpatuloy yung pagtugtog.

"Sing with me." Utos niya sakin.

"We don't need to rush this, let's just take it slow." Tumitig sya sakin habang kinakanya yun na parang sinasabi na sabayan ko sya. Natawa nalang ako tsaka ako sumabay.

"Just a kiss on your lips in the moonlight, just a touch of the fire burning so bright, I don't wanna mess this thing up, I don't wanna push to far."

Tumigil na kami sa pagkanta dahil pareho naming nakalimutan yung lyrics.

"Kumakanta ka pala?" Natatawa kong tanong sakanya. Tinaasan nya ko ng kilay at tumango na parang nagyayabang. Aba't...

"Favorite song ko e." Nakangiting sabi sakin ni Aldein. Ngumuso ako at kinuha na yung bag ko sa ibabaw ng piano. "Aalis ka na?" Tanong niya.

"Oo? Haha. Baka kasi maabutan pa ko ni Miss--"

"Sabay na ko." Kinuha narin nya yung bag niya kaya hindi na ko naka-imik.

Sabay kaming naglalad palabas at dahil kasabay ko narin naman siya, tatanungin ko na siya.

"Ano kayang sa tingin mo ang gagawin ng kapatid ko sa contest?" Tumingin pa ko sakanya habang tinatanong 'yun.

"Hmmmm..." hinintay ko ang sagot niya at di ko inalis 'yung tingin ko sakanya. "Magsasabi ng mga facts?" Natatawa niyang sabi kaya nanliit yung mga mata ko at hinampas siya ng malakas. "Aray ah!" Reklamo niya sakin.

"Abnormal ka kasi. Nagtatanong ng ayos eh." Sabi ko sakanya.

"Come on. You're the sister, alam mo kung anong talent niya. Bakit sakin mo itatanong?" Natatawa niya paring sabi kaya di na ko umimik.

Tinatanong ko para maging aware ka sa presence nya! Baliw! Tss. Umirap na lang ako sa ere. Ang stupid.

Naramdaman ko 'yung braso niya sa balikat ko kaya tinignan ko siya dahil para talaga siyang baliw.

"Kung ikaw ang nasa stage, alam kong kakanta ka at para mo nanamang hinaharana 'yung mga nanonood sa'yo." Sabi niya sakin. Kumunot 'yung noo ko pero binaba niya lang 'yung tingin niya sakin at tinitigan ako ng diretso sa mga mata. "Hindi mo ba alam na may ganun kang impact sa mga nanonood sayo?"

Gusto ko siyang murahin dahil sa lamig at lalim ng boses niya, pero mas gusto kong sapakin ang sarili ko kasi naapektuhan ako! Get a hold of yourself, Crystal. May gusto ang kapatid mo sa lalaking 'yan! Her one and only crush!

"Oh gosh. Get a room, guys!" Mabilis kong itinulak palayo si Aldein sakin at tinignan si Nadine na nasa harapan namin. Naka-crossed arms at nakatingin sakin habang nakataas ang isang kilay.

Umiwas agad ako ng tingin, nagsimula narin akong maglakad paalis dahil ramdam na ramdam ko 'yung pagiinit ng mukha ko. Ugh! Crystal Sunohara!

Should I Say Goodbye?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon