Chapter Fourteen

1.5K 55 2
                                    




Aldein:

Let's talk tomorrow after the event, please?


Inilagay ko ang cellphone ko sa bibig ko at tumitig sa kisame. Ano bang paguusapan namin?


Tumingin ako sa orasan at nakita kong alas-dos na ng madaling araw, ugh! Ano bang meron sayo, Crystal? Bakit ka affected? Malamang maguusap kayo bukas dahil ico-congratulate nyo ang isa't-isa. Ayoko na! Matutulog na ko!


-


"What's wrong?" Tanong agad sakin ni Dylan pagkapasok ko sa backstage. Agaran naman akong umiling sa tanong nya. Hindi ko rin naman alam ang isasagot ko sakanya. "Mukha kang zombie." Natatawa niyang sabi sakin.


Inirapan ko siya at pumasok na sa loob para salubungin ang partner kong si Nixon.


"You okay?" Tanong nya. Tumango ako habang umuupo sa upuan na may pangalan ko. Tumingin ako sa salamin at gusto ko na lang maiyak dahil mukha nga talaga akong zombie.


"Ang panget ko.." Reklamo ko sa sarili ko. Hinampas-hampas ko ang hita ko dahil sa naging epekto sakin ni Aldein. Nakakainis naman, e!


Pinilit kong takpan ng concealer ang eyebags kong pumuputok. Nag-apply ako ng light eyeshadow pati narin ng blush-on pagkalagay ko ng foundation. Halos lahat na nga pagtatakip ko sa mukha kong panget ay ginawa ko na. Nag-lagay pa ko ng liquid eyeliner sa ibabaw ng mata ko at eyeliner sa ibaba para hindi mahalatang puyat ako. Hindi naman ako nag-mukhang emo dahil hindi naman ganoon kakapal ang eyeliner ko. Nag-lagay na rin ako ng red lipstick at pumasok sa dressing room para isuot ang damit na isusuot ko para sa pag-rampa mamaya.


Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin dahil hindi ako makapaniwala na ngayon na ang event. Pagtapos ng isa pang buwan ay graduation na namin at makakapag-college na kami.


"Magse-seventeen na pala ko." Bulong ko sa sarili ko na natawa pa. Lumabas na lang ako sa dressing room pagkatapos kong tignan ang sarili ko.


Hindi ko na pinansin ang mga estudyante na napatingin sakin dahil ako ang unang nag-bihis, umupo na lang ulit ako sa upuan ko para mahaningan.


"Goodluck." Pinanood ko lang ang repleksyon ni Aldein na tinapik ang balikat ko bago sya umupo sa upuan niya.


Nag-hintay pa ko ng ilang minuto bago kami tawagin isa-isa para rumampa sa harapan. Ngumiti ako kay Nixon dahil ang gwapo niyang gabi. Naka-clear syang contact lens at naka-suot ng isang simpleng v-neck tshirt at pants. Simpleng damit lang pero dalang-dala niya. Nakakahiya tuloy na rumampa sa stage na sya ang kasama ko.


"You're beautiful." Ngumiti siya pagkasabi niya nun kaya kinurot ko siya sa tagiliran. Nakita ko ang dimple niya pagkangiwi niya.


"Ang gwapo mo." Sabi ko, narinig kong natawa siya sa sinabi ko habang umiiling kaya lalo ko pa siyang kinulit. "Whaaat? Totoo ang sinasabi ko." Pinitik niya lang ang ilong ko pagkatapos ay ngumiti sakin.


"Be ready. Tayo na ang susunod." Tumango ako sa sinabi niya. True enough dahil section na nga namin ang tinawag para rumampa sa stage, nakita ko si Dylan na nag-thumbs up sakin, ganun din si Nadine kaya mas lalo akong nagkalakas ng loob na para ayusin pa ang pag-rampa ko.


Kumindat ako sa isang judge bago ko ipinilupot ang mga kamay ko sa leeg ni Nixon, niyakap naman niya ko bago kami maghiwalay at rumampa sa magkabilang gilid ng stage, nagtagpo ulit kami sa gitna bago kami bumalik sa backstage.


Mabilis kaming nagpalit ng damit para sa sayaw na inihanda namin, pagkatapos naming mag-sayaw ay mas lalo kong naramdaman ang sarili ko na kinakabahan. Ito ang stage na ako lang ang tatayo sa stage.


Hindi ko alam kung paano kami mananalo gamit ang boses ko, ni hindi ko nga alam kung ganoon ba kaganda ang boses ko para manalo kami. Kung si Nadine siguro ang nandito, baka manalo kami.


"Do your beeeeeest!" Napapitlag ako sa gulat nang naramdaman ko ang yakap ni Nadine sakin mula sa likod.


"Nadine." Natatawa kong tawag sakanya pero hinigpitan niya lang ang yakap niya. Nakita ko ang pagtitig ni Nixon kay Nadine kaya ngumiti ako bago sumulyap kay Nadine na saakin nakatingin.


"Kill them with your angelic voice." Kumindat siya pagkasabi niya nun kaya tumawa ako at hinampas siya sa braso.


"Wish me luck." Sabi ko. Tumango siya sakin at nag-thumbs up. Itinaas ko ang tingin ko sa tv na nasa backstage. Nakita ko na si Aldein at Krista ang nasa stage kaya sinaway ko sila na wag muna silang maingay.


"Ohh, shocks." Narinig kong sabi ni Nadine sa gilid ko. Natulala ako nang nakita kong nag-tumbling si Aldein sa stage ng maraming beses.


"What the-" Napakurap ako ng ilang beses at hindi na tinuloy ang sasabihin ko. Napaka-delikado ng ginawa niya. Paano kung may mangyaring masama sakanya?!


Natulala ako sa tv nang narinig ko ang boses ni Krista na kumakanta sa mataas na tono.


"Holy....." Lumingon sakin si Nixon bago siya tumingin sa tv ulit. "Magkaparehas kayo ng boses." Nakita ko ang takot sa mukha ni Nixon nang sinabi niya 'yun. Naramdaman ko rin na hinawakan ako ng mahigpit ni Nadine sa kamay ko.


"Hey..." Tawag sakin ni Nadine pero umiling lang ako sakanya para ngumiti.


"That's my twin sister. Kapatid ko 'yan. Malamang magaling 'yan." Sabi ko sakanila kahit na nakaramdam ako ng pagbaligtad ng sikmura. Alam kong sa pagtayo ko sa stage na 'yun, talo na ko. Hindi ko alam. Hindi ko alam na kaya ring kumanta ni Krista. Hindi ko alam..... minaliit ko ba ang kapatid ko? Hindi... Baliw ka ba, Crystal? Bakit kalaban na ang tingin mo sa kapatid mo?


"Magkaparehas lang kayo ng boses. Mataas din ang boses niya. So what? Ikaw si Crystal. Si Crystal na kayang tumunaw ng puso ng mga nanonood." Ngumiti si Nadine sakin pagkasabi niya nun.

Hindi.. Wala akong pakielam kung matalo ako sa event na 'to.. Dahil gusto kong si Krista ang manalo, pero.. bakit ganito? Gusto kong umiyak sa hindi ko malaman na dahilan. Gusto kong umiyak dahil natatakot ako sa isang bagay na hindi ko alam kung ano...


Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim para kumalma ako.


Saan ako natatakot? Bakit ako nagkakaganito?

Should I Say Goodbye?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon