Chapter Eighteen

1.9K 66 5
                                    


"Mommy!" Tili ko nang nakita ko sila Mommy na pumapasok sa bahay kasama ang mga maleta nila ni Daddy.


"Crystal." Natatawang sabi ni Mommy pagkayakap ko sakanya.


"Mommy?" Mabilis din na bumaba si Krista sa hagdanan at nakisali sa yakapan namin ni Mommy.


"Woah, 'yung kambal ko." Natatawa niyang sabi at niyakap kaming dalawa ni Krista.


"What? No hug for daddy?" Sabay kaming kumalas ni Krista sa yakap namin kay Mommy at tumakbo kami papunta kay Daddy na naghihintay ng yakap naming dalawa.


"I missed you, Dad." Sabi ni Krista.


"I missed you, too, Krista." Ngumiti ako at hinalikan si Daddy. "Sus, nagselos si Crystal." Tumatawa ako habang kumakalas sa pagkakayap sakanya.


"You're gonna stay here for how long?" Tanong ko sakanya.

"Hmmm, hanggang makapasok na kayo sa college." Ngumiti ako dahil sa sinabi ni Mommy.


"Waaa! Ang tagal nun, Mommy!" Masayang sabi ni Krista.



"So, Tita's here, ha." Sabi ni Nadine habang kumakain kami.


"Yup, with Daddy! Kaya kapag may gala kami sa summer, isasama kita." Sabi ko sakanya. Ngumiti siya sakin at ginulo ang buhok ko. "Nadine!" Saway ko sakanya pero tumawa lang siya.


"Malapit na graduation natin..." Malungkot na sabi ni Nadine.


"Wag kang ma-drama, magkikita parin naman tayo." Sabi ko sakanya, tinaasan niya lang ako ng kilay at huminga ng malalim.


"Hindi naman 'yun ang ikakalungkot ko. Matatapos na tayo sa highschool pero wala paring improvement sainyo ni Aldein." Tumawa siya ng malakas pagkasabi niya nun kaya hinampas ko siya ng malakas.


"Napaka-baliw mo! Mamaya may makarinig sayo—"


"Masyado kang halata, tss. Eh ano kung marinig nila? Nakakaintindi ba sila ng tagalog?" Here we go, again!


"Some of them." Sagot ko.


"So? Hindi ibig sabihin na naririnig ng iba ay kakalat na. Kaya umamin ka, may gusto ka kay Aldein diba?" Tanong niya.


"Nadine!" Saway ko sakanya pero nakatingin parin siya sakin na parang naghihintay ng sagot.


"Kung may gusto ka sakanya, bakit tinutulungan mo parin ang kapatid mo?" Seryoso niyang tanong sakin.


"Wa-wala akong gusto kay Aldein." Sabi ko sakanya.


"Stop pushing him away, Crystal, alam mong alam ko ang totoo." Madiin niyang sabi sakin kaya ngumiti ako sakanya.

Should I Say Goodbye?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon