Chapter 60: Rare Five

2.1K 97 0
                                    

Chapter 60: Rare Five

Ezra P O V

Abala na sila sa pag-iisip kung ano ba ang booth na icoconstruct nila. Next next week na rin kasi magaganap 'yun. Pero ako chill-chill lang, alam kong hindi hahayaan nila Bubbles at Deralm na maging katawa-tawa ang booth namin.

Nakatunganga lang ako dito sa may veranda at maya-maya ay lumabas ng dorm.

Madalas na din walang klase dahil nga sa Booth Event.

Habang naglalakad ay nakita ko ulit si Axcel at naalala ko ang mga bagay na narinig ko mula sa mga nanlason kay Axcel.

Bakit nga ba nila nilason ang isang Prinsipe?

Without further I do, nag-teleport ako at hindi ko alam kung saang lugar ako dadalhin nito. Basta sinusunod ko lang ang nararamdaman ko.

Nang marating ko ang lugar na sinasabi ng puso ko ay humangin ng malakas.

"Surprised?" I sarcastically said to these people in front of me.

Halatang hindi rin makapaniwala ang iba sa kanila. Pathetic.

"E-ezra?" Gulat pa din nilang tanong.

"May problema ba, Ezra?" Tanong ni Kyle. Sa tono nito ay seryoso ito, yung parang walang bahid na kalokohan. Ibang-iba sa Kyle na nakilala ko.

"Meron." Sagot ko.

"Ano?" Andrea.

"Hindi ano kundi sino." Pagtatama ko dito.

"Sino ba sila?"

"Walang iba kundi kayo."

"A-ano? Bakit kami?" Takang tanong ni Creal.

Maang-maangan version 101.

"Kayo yun di ba?" Diretsong tanong ko.

"Ang ano?"
"Anong kami?"
"What are you saying?"
"Ano?"

Seryoso?

"Kayo ang nanlason kay Axcel, hindi ba?" Paglilinaw ko.

Gulantang sila sa sinabi ko at napaatras pa.

"A-ano..."
"H-hindi..."

"Umamin na kasi kayo! I'm not here to play with your nonsense lies!" I can't help but to shout.

At nang naalala ko kung bakit ako nandito sa harap nila ngayon ay may pumatak na luha sa mga mata ko. Axcel...

"Mahal na mahal ko siya... kaya bakit niyo siya nilason?!"

Maayos na ang lagay ni Axcel ngayon, but I know there's something on the potion na hindi ko alam kaya siya nagkaganon.

"Answer me morons! Bakit niyo ginawa 'yun? Pinagkatiwalaan ko kayo."

Nagsimula nang kumulog ang langit at ang lupa ay nabibitak na.

"Oo, kami nga 'yon." Pag-aamin no Andrea kaya tinignan siya nila Threa, Creal at Kyle.

"Why?" Mahina kong tanong,"Akala ko kaibigan ko kayo? Why..."

May isang bolang kristal na nahulog sa lupa at maya-maya'y lumiwanag hanggang sa lumabas si Arshy... yung kambal ko 'daw'.

"Hi, twinny!" She greeted in joyful tone.

Pumunta siya sa harap ko at tinabihan ang apat na nanlason kay Axcel.

"Sasabihin ko na sa'yo 'to twinny." Ngumiti siya, "I, Andrea, Kyle, Creal and Thyl are the Rare Five. We're Aphrodites of Goddes Merliyah." Arshy revealed kaya halos hindi ito ma-sink in sa utak ko.

Cleytara Academy [Completed]Where stories live. Discover now