Chapter 13:Vacation 3.0

3.4K 169 9
                                    

Chapter 13:Vacation 3.0

***

Ezra Pov

Nagising ako dahil sa alarm clock na tila balak basagin ang eardrum ko. Ang aga pa nga e. 5:34 a.m. palang.

So, anong balak gawin saakin ng alarm clock na ito? Di pa niya alam na late na kami nakauwi kagabi dahil sa mga luho ng mga prinsipe't prinsesa?

Kahapon kasi, pagkatapos namin doon sa Japanese Restaurant ay naunang naglakad palabas ang limang royalties. Yung dalawa naman ay parang bored-na-bored-na.

Alam niyo ginawa nila kahapon? Punta there. Punta here. Punta everywhere. Turo there. Turo here. Turo everywhere.

Pumunta nalang ako sa kusina para kumuha ng gatas sa ref. Isinalin kona ang gatas sa baso at kumuha ng Choco Velvet Cake. Umupo  ako sa salas. Bagamat off yung ilaw ay in-open ko ito.

Umupo ako sa may sofa at inilatag ang gatas at Baby Choco V. sa center table.

Parang nangyari na ito ah? Never mind. May umupo naman sa tabi ko. Si Chase.

"Too early. Bakit gising ka na?"
Tanong ko without looking at him.

Ang aga pa. Dapat tulog pa siya ah.

"Don't know." Sagot niya.

Tumango na lamang ako. Nice answer.

"How about you?"

"Eh kasi naman 'yung alarm clock dun sa kwarto ko e." Ani ko.

Bigla naman siyang tumahimik.

Anyare? Anmeron? Huwaaa! Help.

"Ano ba'ng meron? Hey. Ikaw ha, masyado kang creepy."

Si Chase ba talaga ito? Baka masamang elemento ito? Huwaa!

"Quiet." Mahinang anito at naglabas ng long sword niya.

Don't tell me ako' yung balak niyang patayin? Sumigaw kaya ako? Pero baka maaga niya akong tanggalan ng buhay? Ayh gaga.

Lumabas siya kaya sumunod ako.
Hay salamat, 'di pala ako yung target niya.

Pagkalabas namin ay naramdaman ko agad ang simoy ng malamig na hangin.

Lumabas pa hanggang sa gate si Chase kaya sumunod lang ako. Inihanda ko narin ang L.G scythe ko.

"Ezra!" Sigaw ni Chase at nakipaglaban na.

May mga sumusugod pa sa aking naka-itim na mga hugis tao kaya prinotektahan ko 'yung sarili ko.

May balak pa sanang sumaksak sa akin ngunit inunahan ko siyang pugutan ng ulo. Sa sumunod naman ay nag tumbling ako at sabay saksak sa likod niya ng scythe na hawak ko.

May sumugod sa akin kaya lumuhod ako at hinila ang isang paa niya dahilan para ma-out-of-balance siya. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para paikutin siya at saksakin ng scythe sa braso at sa ulo.

Marami pa ang sumugod kaya nilabanan ko itong lahat.

"Don't know that you know how to fight, eh." Ani Chase na nakangisi saakin.

"Ah. Yes. I'm a onc--- I mean. Never mind. Hehe. Tara na sa loob?" Tumango naman siya.

Umakyat agad ako sa kwarto ko at naligo. Ew. This sticky bloods!

Dugo ba talaga ito? But what are they? Men in black? Gano'n?

Anyways, that was a very good fight with them. Pero ano nga ba talaga ang pakay nila? Itinakda ba talaga itong mangyari? Sinadya ba talaga akong gisingin ng maaga pati si Chase dahil dito? O coincidence lang?

Cleytara Academy [Completed]Where stories live. Discover now