Chapter 10

9 0 0
                                    

Ella’s POV

Paano dumating sa ganito?  Ano ba ang dapat kong gawin?

Mag-isa lang ako kanina ngayon may apat na mukha na nakatitig sa’kin.

Dumating ako sa Caf, the usual lang.  Upo, kain.  Siguro hinanap ko rin si Nathan.  Medyo nasanay na rin ako na sinasamahan niya ako.  Siguro mali ako noon.  Masaya rin pag may kasama.  Pero hindi ibig sabihin niyan ay papasok ako sa classroom at biglang lalapit sa isang tao ta’s magpapakilala.  Ok na ito.  Simple lang.

Kaso, naistorbo ang simple kong lunch.  Biglang may lumapit na lalaki sa akin.  Parang hyper na hyper siya.  Sumunod naman ang isa pang lalaki.  Hindi ko alam ang mga pangalan nila pero kilala ko sila.

“HI!  Ano bang pangalan mo?”  tanong ng hyper na lalaki.

“Zack!  Huwag kang padalos-dalos,”  sabi nung isa.  “Sorry miss, pwede bang umupo?”

Nanlaki na naman ang mga mata ko.  Napalunok ako ng laway at nararamdaman ko na sumisikip ang dibdib ko.  I shook my head pero hindi nila ito napansin.  Siguro nga imperceptible ang movement ko kasi parang nanigas na ang katawan ko. 

Lalo pang lumala ang sitwasyon nang may humabol na dalawang babae.  Sinampal ng isang babae ang lalaking nangangalang Zack sa likod ng ulo.  Kilala ko rin sila.  Nathan!

“Ano ba ang ginagawa niyo?!  Masyado kayong excited.  Baka matakot niyo siya,” sigaw ng girl.

“Oo nga,” tuloy ng isa.  Tumingin siya sa’kin, “Sorry talaga, hindi talaga nag-iisip ang mga boys.  Ako nga pala si Kate.  Uhh…mga kaibigan kami ni Nathan.  Sila sina Camille, Zack, at Tyler.”

“Uhh…” parang hangin lang lumabas sa bibig ko.  Niyuko ko ang ulo ko.  Nanginginig na ang mga kamay ko.  Hindi ko alam ang gagawin. 

Mga kaibigan pala sila ni Nathan, kaya pala familiar sila.  Pero kahit na ganun, natatakot na ako.  Parang bumaligtad na ang mundo.  Masyadong maraming mata ang nakatingin sa’kin.  

Nathan, nasa’n ka na?

“Ano ba ang ginagawa niyo?!” narinig ko ang boses niya.  Bumalik naman ng konti ang lakas sa katawan ko.  Sapat lang para tumayo at pumunta sa likuran ni Nathan.  Sa ngayon, siya muna ang shield ko.

Napansin ko na naka-clench ang kanyang mga kamao.  Galit siya.

“Nathan,” bulong ko.  “Kalma ka lang.  Wa—wala silang masamang intensyon.”

“Tara, alis na tayo,” hinawakan niya ang kamay ko at hinila niya ako palabas ng Caf.  Tinawag siya ng mga kaibigan niya pero dedma lang siya. 

“Na—Nathan!  Bumalik ka doon,” Hindi pa kami nakalayo ay tinigilan ko siya.  Tumingin siya at hindi ko mapinta ang mukha niya.  Sa ngayon, bumalik na ang lakas ng katawan ko.

“Bakit naman?”

“Masyado kang galit,” sabi ko sa kanya.

“Bahala na.  Mamaya ko na lang silang kakausapin.” Galit talaga siya.

“Hindi.  Gawin mo ngayon,” pilit ko sa kanya.

“Bakit?”

“Mga kaibigan mo sila.  Iyon ang tamang gawin.”

“Sinabihan ko na sila.  Hindi sila nakinig.  Hindi kasi nila iniintindi ang sitwasyon mo,” narinig ko ang concern sa boses niya.  Kaso hindi ko gusto ang nangyayari.

“A—ano ba naman talaga ang sitwasyon ko?  Loner ako.  Friendless ako.  Anti-social ako.  Ako ang problema… hindi sila,”  sabi ko sa kanya.  Ngayon, nakita ko ang concern sa mukha niya.

Ms. Not-So-InvisibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon