Chapter 4

18 1 0
                                    

Ella’s POV

Natapos na ang contest.  Second Runner Up si Alexis.  Masaya pa rin ako para sa kanya.  Medyo napahiya nga lang ako kanina but I’ll get over it.  Makakalimutan lang naman ‘yon ng mga tao. 

Pagkatapos ng contest, plano nina Tita na magcelebrate sa isang resto.

“Dad, kunin ko muna ang mga gamit ni Alexis.”  May mga naiwan kasi sa backstage.

“Sige.  Kukunin lang namin ang kotse at maghintay ka lang sa labas ng gate.”

“Okay, I’ll be quick.”

Pumunta ako sa backstage, walang tao.  Pumunta ako sa table ni Alexis at kinuha ang bag niya.  The whole week, lahat ng ginagawa ko ay para kay Alexis.  Errand after errand ay para sa ikabubuti ng contest.  Pagod na rin ako pero at least, last na to…for now.  Palabas na sana ako nang may nakita ako sa isang table.

No way.            

Nilapitan ko ang table at nagulat.  Ito nga.  I thought nawala ko ito weeks ago.  But I’m sure this is it.  Cap ko nga ito.  It’s the same black cap na nawala ko sa mall.  It even had a little black marker stain sa gilid.  Bakit ito andito?  May nakapulot.  Hanggang titig lang ako kasi hindi ko alam kung kukunin ko ba o hindi.

“Ahm, excuse me,” Nagulat ako at may tao pala sa likod ko.  “Kunin ko lang.”  He stepped forward para kunin ang cap at agad naman akong tumakbo paalis.

Bahala na lang.  Sa kanya na ang cap ko.

Nang nasa kotse nako, napansin koang lalaki kanina.  Kakalabas lang niya sa Gate at sinusundan ng mga mata niya ang kotse namin.  Napansin kaya niya akong nakatingin sa cap?  Sana hindi naman.  Mas mabuti kung kalimutan ko lang.  Sa kanya lang ang cap ko.  Di ko naman kailangan.

Kahit late na, dapat daw magcelebrate so pumunta kami sa resto ng kaibigan ni Dad. 

“To Alexis, for the success she garnered.”  Nag raise ng toast si Tita.  “I’m so proud of you, anak.”

“Kahit hindi 1st place?”  tanong ni Alexis.

“Siyempre naman.”  Sabi ni tita.

“Alexis, kahit na anong mangyari, dapat alam mo na ikaw ang pinakamaganda sa lahat ng babae kanina.”  Si Dad na naman ang nag-speech.  Ngumiti si Alexis at tumawa si Dad.  “Oh, Ella, anong masasabi mosa kapatid mo?”

Dinamay pa ako.  “Ahhmm…” 

Ano ba ang sasabihin ko?

“Ahhmm…parang walang alam ang mga judges kasi…dapat panalo ka nun.”

“Well said, Ella,”  sabi ni Alexis habang nakangiti.  At least hindi siya galit.

Pagkatapos naming mag-order, may lumapit na babae sa amin.  Siya ata ang may-ari ng resto.

“Ronaldo,  may nakapagsabi sa’kin na andito kayo.”  Nag beso sila ni Dad.

“Gina,  andito ka pa pala.” 

Ang bait niya tingnan.  Medyo may dumi ang damit niya.  Siguro tumutulong siya sa pagluluto dito.  “Margaret, nice to see you.”  Nag beso sila ni tita.

“Good evening, Tita”  tumayo si Alexis para makipagbeso rin.  Nagdadalawang isip pa ako.  Ngayon ko pa lang siya nakilala eh.

“Gina, ito nga pala si Ella, yung sinasabi kong…” sinimulan ni Dad ang intro.

“Anak mong mahiyain.”  Tinapos naman niya.  “Tama ka nga, puro magaganda ang mga anak mo.  Hi, Ella.”  Sabi niya.

“G—Good evening po,”  mahina kong sabi.

Ms. Not-So-InvisibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon