Chapter 7

12 1 0
                                    

Nathan’s POV

“Nathan, tuloy pa rin ang una nating usapan.  Invisible pa rin ako.” 

I looked at her habang lumakad siya palayo.  Alam kong hindi na niya ako maririnig but I had one reply sa sinabi niya, “As if.” I smiled at the fact na kinausap niya ako.  Si Ella kaya ito.  Siya ang babaeng nagsabing ayaw niyang magkaroon ng kaibigan.  Hindi ko pa siya masyadong kilala pero sa nangyari ngayon, gusto kong makilala pa siya ng husto.

Mga six natapos ang game at plano ng team na magcelebrate sa victory kanina.  Pero dahil maaga pa, gusto nila na kumain muna ng dinner bago magkita-kita sa Hub—isang bar na malapit lang sa school namin.  Tambayan na nga ito ng students of SCU. 

Pagdating ko sa Hub, andun na sina Tyler at Zack kasama ang ibang members ng team.  May ilan sa kanila na nakainom na pero konti pa lang. 

Yes, I drink pero sinisiguro ko naman na hindi ako nalalasing.  Grabe rin ang tolerance ko sa alcohol.  Ayoko rin na may masumbat sa akin si Papa.

Masaya na sana ako pero biglang dumating ang peste.  Siya ang dahilan kung bakit ako bad mood kanina sa game.  A few nights ago, pumunta kami ng barkada dito kasama sina Kate at Camille.  Sanay na ang girls sa Hub.  Isa kasi itong bar kung saan nagrerelax lang ang mga college kids. 

Kaya lang biglang may lumapit sa girls at naging bastos sa kanila.  Siyempre to the rescue agad kaming boys.  Lasing kasi ang kumag kaya nakipag-away.  Hindi namin hahayaan na ganun na lang kaya lumaban rin kami.  Para na rin nina Cam at Kate.  Sabihin na lang nating nagkaroon ng damage of property. 

Tinawagan ng owner si Papa kaya nagkasermon na naman ako.  “Nakipag-away ka sa isang lasenggo sa isang bar!  Anong imahe ang pinapakita mo diyan?!”

“Binastos niya ang mga kaibigan ko.” Sabi ko kay Papa.  “Anong imahe ang pinapakita ko kung hindi ko sila ipagtanggol?!”

Hanggang sa Friday, the day before the game, walang tigil si Papa sa kakasabi sa’kin na tigilan ko na ang mga kahibangan ko.  Pero hindi ko ‘yun gagawin.  Maliban kay Mama, ang mga kaibigan ko na ang naging pamilya ko.  Sina Tyler, Zack, Camille at Kate.  Pati ilan na rin sa soccer team. 

Kaya pumunta ako sa game na bad mood.  Medyo messed up nga ang paglalaro ko pero hindi naman napansin ng mga tao…maliban kay Ella.

“Siguro—siguro palagi na lang akong nakatingin, may nakikita na ako na hindi nakikita ng iba.”

Back to the present, pumasok sa bar ang kumag na bumastos sa mga kaibigan ko.  Nagkatinginan ako at napansin ito nina Tyler.  I’m sure na sa aming tatlo, si Tyler ang pinakagalit.  Binastos ang girlfriend niya.  Inalis namin ang tingin sa lalaki at minabuti na hindi na lang siya pansinin.  Kung naghahanap siya ng gulo, tsaka lang kami aaksyon.

Umuwi ako na pagod.  At least wala pang pasok bukas.  Late na pagdating ko sa bahay kaya tulog na sina Mama.  Hindi na nila ako hinintay gaya ng dati.  Nasanay na rin ata sila.

“Kung ano man ang problema mo, sana maayos din.”

Naisip ko ang sinabi ni Ella.  Hindi ko narealize na nakangiti pala ako.  Ano ba naman?!

“Haist…sana maayos nga,” bulong ko bago ako natulog.

Monday na and usual day lang namin.  Pagdating ng lunch, hinintay namin ang mga girls.  Plano nila na sa labas ng school kumain.

 “Nathan,” tinawag ako ni Camille, “May hinihintay ka ba?”

“Huh?  Wala.  Bakit mo na tanong?”

Ms. Not-So-InvisibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon