Chapter 5

20 1 0
                                    

Nathan’s POV

Sem break was coming to an end.

Sa ilang linggo ng break, palagi lang akong pumupunta sa soccer practice.  Kasama ko siyempre sina Zack at Tyler.  Ang golden trio ng team.  Minsan may practice games pero konti lang ang taong pumupunta dito.

Bukas na magsisimula ang second sem ng first year college namin.  Kumukuha ako ng Architecture dahil na rin kay Papa.  Gusto niya na ready ako mag take over sa family business.  Pwede akong maging katulad ng ibang kabataan na kung dinidiktahan ang kapalaran ay nagrerebelde pero ayoko.  Wala akong dahilan para gawin ‘yon.  Tanggap ko naman na ako ang tagapagmana.  As long as I still have my freedom to do teenager stuff, wala akong problema.

That night, maaga akong natulog.  Bago ako nawalan ng malay, napaisip ako.  Sa tingin ko kasi, magiging iba na ang takbo ng buhay ko simula sa sem na ‘to.  Pero naisip ko na epekto lang ata ito ng pagod. 

Pagod pa ako hanggang lunch time.  Wala pa namang seryosong klase sa first day.  Maliban sa major subject na pagpasok pa lang ng Prof, diretso na quiz.  Pagdating ng lunch time, pinuntahan namin ang girls.

“Hahaaaaiiii,” gusto ko pang matulog.  “Tol, saan na ba sina Kate?”

“Malapit na daw,” sagot ni Tyler.  “Nasa third floor sila.  Hintayin lang natin.”

Iba-iba man ang classes namin, sinigurado namin na pareho kami ng breaks.  Kasama siyempre ang girls.  Hindi papayag si Tyler na hindi kasama si Kate, si Kate naman dapat kasama si Camille.  Sa ganitong paraan nagsimula ang barkada.

“Tyler!” narinig ko ang boses ni Kate.  Finally! Dumating na sila.

“Naku, mga ganda,” reklamo ko sa dalawa.  “Kanina pa kami.  Pagod at gutom na ako.”

“At dahil ang tagal niyo,” inakbayan ni Zack si Camille.  ‘Yung tipong nag-aasar. “Dapat libre ang lunch namin ngayon.”

“First day pa lang ang dami niyong reklamo,” sabi ni Cam sabay na inalis niya ang kamay ni Zack.  “Guys, sa cafeteria lang tayo today.  Pupunta pa kasi kami ni Kate sa registrar mamaya.  Para malapit-lapit lang.”

“Wala akong problema diyan basta nga libre niyo,” ako naman ang nag-aasar.

“Tell you what,” offer ni Kate.  “Dessert lang ang ililibre namin.  Okay na ba iyon?”

Tinanggap namin ang offer.  Paalis na sana kami pero huminto ako.  Tumingin ako nang maayos kasi hindi ako sigurado kung siya nga ang nakita ko.  Pababa na siya ng hagdan pero hindi niya ako napansin.  Nakayuko pa ang ulo niya at nakatakip sa mukha niya ang kanyang buhok.  At kahit na mainit ang panahon, nakasuot siya ng hoodie.  Hindi halata na anak mayaman pala.  Tiningnan ko siya nang maayos.  Lalapitan ko na sana kaya lang…

“Nathan,” tawag ni Zack.  “Tara na.  Ano pa ang ginagawa mo diyan?”  Tumakbo ako papunta sa mga kaibigan ko at dumiretso kami sa caf.

Malaki naman ang cafeteria.  May mga benches din sa labas kung gusto ng mga estudyante na magpahangin habang kumakain.  May TV pa para may entertainment.  Nakaupo na kami sa isang table at kumakain na pero huminto ulit ako.  Nakita ko na naman siya.  Tumingin siya sa paligid bago lumabas ng caf dala ang kanyang tray ng pagkain.

“Guys, babalik lang ako,” tumayo ako at nagsimulang maglakad.  “Huwag niyong kainin ang pagkain ko kundi patay kayo sa’kin.”

Huli kaming nagkita sa resto ni Mama.  Maliban sa Architecture Firm ng pamilya, may resto business si Mama.  Mahilig kasi siyang magluto at tanging sa kanya ito.  Hindi nakikialam si Papa sa gusto ni Mama.

Ms. Not-So-InvisibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon