Chapter 10

1.2K 35 6
                                    

Yuna's POV

Sa wakas natapos na rin ang araw na ito. Makakapagpahinga na rin ako. Pagkatapos ko maligo ay tinodo ko yun aircon at humiga sa kama. Nakakapagod rin makipaglaro ng aso't pusa sa mokong na iyon.  Ang dami rin nangyari. Hanggang ngayon hindi pa rin nagsisink in sa akin na kaibigan ng mokong na iyon ang kuya ko. Para tuloy pinagsakluban ako ng langit at lupa. Plus alam pala nina Venice at Miku ang lahat pero hindi pa nila sinabi sa akin. Grabe..... 

Hindi naman sa nagagalit ako pero nakakinis lang talaga. hayst!!!! 

Hindi ko namalayan at saturday morning na pala. Bumaba ako sa may pool garden at nagpaaraw. Ang sarap ng hangin. 

"Yuna!" Yikes si kuya ba iyon. Ayoko sana siya lingunin kasi nagtatampo pa ako sa kanya. Ah kunyari na lang hindi ko siya narinig. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad sa garden. 

"YUNA!!" This time mas malakas at mas seryoso na ang boses nya. Naku naman.... Ayoko talaga siyang kausapin ngayon eh pero iba kasi magalit ang kuya ko. Daig pa ang gutom na leon kapag nagalit yun. 

No choice nilingon ko rin sya. "O bakit? Bat mo ba ako tawag?" 

Lumapit sa akin si kuya and then BINATUKAN nya ako. 

"Aray! Ang aga aga kuya ah." Hinawakan ko yun part ng ulo ko na binatukan nya. 

"Bakit ka umalis kahapon sa cafeteria?" 

Nahawa na yata ang kuya ko sa kat*ngahan ni Kaein eh. "Yan talaga ang tanung mo?"

"Hindi mo man lang ako hinyaan magpaliwanag kahapon." 

May point naman siya pero hindi pa rin yun uubra sa akin. "Bakit hindi mo ako sinabihan na kaibigan mo pala yun mokong na iyon?"

"Bakit hindi ka rin nagsabi na nagkakaroon ka ng problema kay Kaein?

Napatigil tuloy ako.... " O sige hindi ko nga sinabi na nagkakaroon ako ng problem sa school pero hindi sapat na dahilan yun para hindi mo sabihin member ka pala ng gang sa school. Alam ba yan ni dady?"

 

"Actually balak ko ipakilala sa iyo ang mga kaibigan ko kaso naghahanap ako ng tamang pagkakataon. Medjo busy rin kasi ako ng mga nakaraang linggo. Second, yep alam ni dady na sila ang kaibigan ko. To be honest yun family nilang anim ay business partners natin sa negosyo."

"What? Really? No way. Bakit? Paano?"

"They are my childhood friends Yuna. Don't you remember? Pumupunta sila minsan sa bahay para makipaglaro." 

"Hindi naman ako naaksidente o kaya nawalan ng memorya pero I really don't remember them." Maybe because I'm too young back then. 

BLACK HEIRS (Girls vs Gangsters)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum