Chapter 9

1.1K 31 0
                                    

Yuna's POV

Nandito kami nina Venice at Miku sa cafeteria. Sa totoo lang gusto ko na matapos ang araw na ito para makapagpahinga na. 

"Kamusta ang paguusap nyo ni sir Kyle?" Banat ni Miku. 

"Hindi ko pa sure pero feel ko naman ginagawa na ni sir ng paraan." 

"Sana talaga makausap ni sir Kyle yun mga yun." Sabi naman ni Venice. 

Lahat ng tao nagsitingin sa may entrance ng cefeteria at ang mga babae ay nagsitilian. 

"OMG ang gwapo talaga ni Kaein."  Sigaw ng isang babae. 

"Ahhhh... Nakita mo yun kinindatan ako ni Grey." 

"Lief tingnan mo naman ako." Banat naman ng isa. 

"Ang gwapo talaga ng EF. Kahit hindi na ako kumain matitigan ko lang sila busog na ako." 

Kainis! hindi ba sila nagsasawa sa mga pagmumukha ng mga iyon. Sumubo na lang ako ng pagkain ko at hindi ko na sila inintindi. 

Venice's POV

Nagkibit balikat na lang ako ng maaninag ko na parating na ang EF. Ganun rin naman ang ginawa ng dalawa kong kaibigan. 

Umiinom ako ng coke ko ng may tumawag sa akin at feeling ko ay palapit ng palapit ang boses nya. 

"Hi pretty girl." 

Muntik ko na maibuga sa kanya ang iniinom ko. Tumingin ako ng diretso sa kanya at naging bilog ang pareho kong mata ng napagtanto ko na si Grey pala ang nasa harap ko ngayon. 

"Pwede ba kami maki join?" Tanong naman ni Dylan na kumuha ng upuan at umupo na rin. 

"Nagtanung ka pa uupo ka na rin naman," ang bulong ko naman. 

Hinawi ni Grey ang buhok sa aking kaliwang tenga at bumulong, "ang sungit mo naman." 

Napaatras tuloy ako. 

"Kung ayaw nyo kami magsungit pwede ba na wag nyo na lang kami guluhin." Tiningnan ko sya sa kanyang mga mata.

Shoot dapat pala hindi ko na lang tiningnan. Mata pa lang nakakatakam na. >.< Hoy Venice wag ka magpadaig sa gwapo este sa mayabang na nilalang na ito. 

Kinuha ni Kaein ang Royal in can ni Yuna at ininuman nya. Sh*t  ginawa talaga nya yun. OMG indirect kiss yun.... Ininuman na kasi yun ni Yuna kanina. 

"Hindi mo ba ako titigilan?" Tumingala si Yuna kay Kaein na nagsisimula na umupo sa may table namin. 

BLACK HEIRS (Girls vs Gangsters)Where stories live. Discover now