You can count on me...

6.5K 78 8
                                    

This chapter is dedicated to Bok...I know I can always count on you...kahit pa wala kang time magbasa ng mga stories ko but then ok lang yon...ILY....

JINN’S POV…

Sabi nga if it’s meant for you…it will be yours… The next day after ng aking inter view with Micah…I received a call from their company na pinarereport na ako agad the next day.  I got the job.  I was ecstatic that time at parang gusting-gusto ko nang tawagan siya para ibalita ang good news.  But on the contrary naisip ko, baka alam na niya…baka tinulungan niya ako…pero alam ko..deep in my heart I was hired because I am capable sa posisyong yon .

I filed a resignation letter sa aking company at nagreport na for orientation the next day.  Micah is still absent.  Ipinakilala ako kaagad sa staff at other personnel ng kumpanya.  I can say na maganda ang vibes ko sa bago kung trabaho dahil mukhang mababait naman ang kasamahan ko.

The next day will be the start of my formal duty.  Maaga akong nagising at nag prepare.  Hindi ko gawain ang mag pa impress pero nakagawian ko na sa mga dati kung trabaho na maaga kung pumasok.  

Around 7AM I am already walking down the street one block away sa bago kung opisina ng makita ko ang isang sasakyan na nagdedeliver ng bulaklak sa isang flower shop.  I don’t know what comes into my mind basta bigla na lang akong pumasok.  Para pa akong namalik-mata sa dami ng magagandang bulaklak na aking nasilayan sa loob ng shop.  My attention was caught by a bouquet of fresh peach roses na naka arrange beautifully sa isang sulok.

 Peach…not white…not red.   Ang ganda ng color…ang lamig sa mata…parang nag sisimbolo ng kahinhinan…parang si Micah. Hindi na ako nagdalawang isip pa..i bought the flowers and instructed the saleslady to deliver them to our office.  I jot down a note para kay Micah and signed it with “Laughing Stock” my FB name. You might be wondering kung bakit Laughing Stock at hindi Jinn ang inilagay ko…isa lang ang sagot ko…para may element of mystery.   

Pa ngiti-ngiti pa ako ng pumasok sa loob ng compound ng opisina.  Alam ko maaga pa at may time pa akong magprepare.  As a security officer may sarili rin akong opisina.  Adjacent lang yon ng control room where all the monitors of the CCTV was located.  Yes, medyo high tech na ang kumpanyang ito…lahat ng sulok may CCTV pwera na lang sa loob ng CR.

Nadatnan ko si Jess, ang security officer na papalitan ko.  Napangiti siya ng maluwang ng Makita ako.

“Uy Jinn…mabuti naman at an aga mo.  Dati-rati kasi’y tinatanghali ang karelyebo ko.  May pupuntahan pa naman kami ngayon ni Misis kaya timing ka.”

“Buti na yong maaga..mahirap kasi pag nagipit sa traffic  eh. Siguradong ma lalate ako,” agot ko habang inaayos ang gamit ko sa loob ng locker room ko.

“Nakita mo ba ang uniform mo dyan? Kahapon pa ipinadala ng laundry.  Hindi ka ata naabutan.”

“OO nandito  na.  Salamat ha.”

Light blue na long sleeves at black na slacks ang uniform namin.  May katerno pang necktie.  Napangiti ako..executive na executive ang dating ah.  Malayong-malayo sa t-shirt at jeans na nakagawian kong gamitin noon.  I wonder kung magugustuhan ito ni Micah.  

‘Ayan na naman si Micah na naman…are you trying to impress her?’ tanong ng intrigera kung inner self.

Napaisip ako ng malalim…am I doing this for her?  Napakamot na lang ako sa ulo ng makuha ko ang sagot…definitely!  

Nagpalit ako ng damit at nagprepare na to work.  Pinatawag ko muna lahat ng incoming duty guards for the day for the briefing.  One way yon para makilala ko silang lahat.  After a 15 minute briefing ay kanya-kanya na ng pwesto ang aking mga tauhan.  I went inside the control room para I check kung anong nangyayari sa loob ng building.

A Choice or Destiny?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon