Teasing Game....

7.5K 68 15
                                    

JINN’S POV

            “I’ve got my bestfriend back”. 

            Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni Micah.  After all these years, I’m still hoping that we could work it out…na kung magkita man kami ay mas maging malalim ang aming pagtitinginan…na mamahalin din niya ako gaya ng pagmamahal ko sa kanya.  But I’m totally wrong…she wants me…but just like before…just a friend.

            Itinago ko ang aking panlulumo…this is our reunion, after five years nagkita din kami.  Araw-gabi kung pinag isipan kung ano ang aking gagawin kung magkita man kami pero ni isa man sa mga scenario na pinag isipan ko ay walang nangyari.  Everything just happened on instincts. 

            I can feel the beating of her heart as she hugged me tight.  I kissed the top of her head while caressing her back.  Happy na rin ako at least nakita ko na siya ulit.  At may bunos pa…nayakap ko pa siya.

            “Jinn, I think I need to go.  Marami pa akong trabaho sa loob”, mahina niyang saad after a few moments.  Hindi ko man gusto na pakawalan siya but I let her go.  She smiled at me, tiptoed and kissed my cheeks.

            “I will call you…about this job and also for many reasons.  Sana kahit ano ang maging result ng iyong job application dito ay maging magkaibigan na ulit tayo.”

            “Sure..oo naman.  Ngayon pa na nakita na ulit kita.  Would you mind giving me your number senorita?”tanong kung nagbibiro.  Kinuha niya ang kanyang cellphone at ibinigay sa akin ang kanyang number.

            “Hindi na ako magtatagal, may pupuntahan din ako eh.  I will call you later…not about this job but for some other reasons”, biro ko ulit.

            “Hindi ka pa rin nagbabago Jinn, palabiro ka pa rin.”

            “Marami ng nagbago sa akin Mic…pero mayroon pa ring mga bagay-bagay na hanggang ngayon ay hindi nagbabago.”

            “At ano naman yon?” tanong niya sabay taas ng kilay.

            “It’s for you to find out madam.  By the way, ok lang ba if I call you? Wala bang magagalit?”

            “Of course wala.  Just call me…but be sure not in the middle of the night at ayokong ginigising ako sa aking pagtulog”.

            “Ok…your wish is my command.  So see you soon?”

            “See you soon Jinn.  Ingat!”

            Kinuha niya ang kanyang mga gamit, kumaway sa akin at nauna ng lumabas ng room.  Para akong na engkanto…matagal pa akong nanatiling nakatayo sa loob ng conference room bago ko naisipang umuwi na.  This is one hell of a day for me.  At last I’ve found her!

MICAH’S POV

            Hindi ko alam kung naramdaman niya ang panginginig ko.  Naramdaman ba niya ang sobrang bilis ng tibok ng puso ko ng yakapin ko siya?  I don’t know what comes into my mind…o talagang hindi na ako nag iisip.  My heart over ruled my brain again.  Niyakap ko siya…at niyakap din niya ako.

            Matagal na akong nakaupo sa aking mesa pero parang hindi pa rin ako makapaniwala na nagkita kaming dalawa.  Five long years…sabi nga niya marami ng nagbago sa kanya…and that’s true…marami na ngang nagbago.  Ibang-iba na siya pero bakit hanggang ngayon ay iba pa rin ang tibok ng puso ko para sa kanya.

            “Micah…are you ok? Kanina pa kita tinitingnan pero parang wala ka sa iyong sarili.  May problema na naman ba?” urirat ni Bam. 

A Choice or Destiny?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon